Inamin ng dating aktres na si Andi Eigenmann na hindi niya isinasara ang kanyang sarili sa muling pagbabalik sa industriya ng showbiz matapos ang pagpanaw ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.
Nakausap umano ito ni Ogie Diaz nang magpunta siya sa burol ng batikang aktres na si Jaclyn Jose kasama ang kanyang mga kasamahan sa Showbiz Updates.
Sa kanilang pag-uusap inamin umano sa kanya ni Andi Eigenmann na na-touch siya sa ibinigay na mensahe ng ABS-CBN boss na si Cory Vidanez.
Natutuwa umano siya sa ginawa ni Cory Vidanez sa pagyakap sa kanya at sinabihan din umano siya nito na kung sakaling may problema siya ay magsabi lang siya rito.
Sinabihan rin umano siya nito na kung sakaling magpasya siyang bumalik sa showbiz ay naroon lamang ito at handa siyang tanggapin. Natatawa pa umanong nagbiro si Andi Eigenmann na sinabing may asim pa pala siya dahil nakitaan pa siya ni Cory ng potential sa pagso-showbiz.
Subalit sa kabila ng offer na natanggap sinabi ni Andi Eigenmann na wala pa sa isip niya ngayon ang pagbabalik sa showbiz industry dahil abala siya roon sa Siargao.
Gayunpaman, hindi naman umano niya matatalikuran ng tuluyan ang showbiz dahil mahal niya ito at dito siya nagsimula. Hindi umano niya maaring talikuran ang showbiz dahil ito ang nakalakhan niyang mundo sa kabila ng pag-e-enjoy niya sa kanyang buhay kasama ang nabuong pamilya kasama si Philmar Alipayo.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!