Alden Richards, Pinutakti Ng ArMaine Fans Dahil sa Mensahe Para Sa Beteranang Aktres Na Si Jaclyn Jose

Miyerkules, Marso 6, 2024

/ by Lovely


 Nakakatanggap ngayon ng pambabatikos mula sa mga ArMaine fans ang Kapuso actor na si Alden Richards matapos nitong maglabas ng mensahe sa biglaang pagpanaw ng kanyang ina-inahan sa showbiz na si Jaclyn Jose.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang social media post si Alden Richards patungkol sa kanyang pagdadalamhati dahil sa pagpanaw ni Jaclyn Jose. Sa nasabing post inilahad ni Alden Richards kung gaano kasakit para sa kanya ang biglaang pagkawala nito.


Agad itong nagviral sa social media at umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens, marami ang nakikisimpatya kay Alden Richards at pinuri ang aktor sa pagpapahalaga niya kay Jaclyn Jose.


Subalit, hindi rin maitatanggi na marami ang napataas ang kilay sa ginawa ng aktor. Ayon sa ilang mga netizens na tila sinasakyan na naman ng aktor ang balitang pagkawala ni Jaclyn Jose kaya nagpapapansin umano ito.


May mga nagsasabi pang napaka-OA umano nito sa pagbabahagi ng mensahe na tila isa ito sa mga totoong anak ng yumaong aktres.


Samantala sa paningin ng mga fans ni Alden Richards na wala namang masama sa ginawa ng aktor dahil totoong nagkalapit naman silang dalawa at nagpapahayag lamang ang aktor ng kanyang pagdadalamhati.


May mga naghinala naman na kadalasan sa mga bumabatikos ngayon sa aktor ay mga fans nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.


Matatandaan na ilang beses na ring nagsama sa iisang proyekto sina Jaclyn Jose at Alden Richards kaya naman hindi na kataka-taka kung maging malapit na rin sila sa isa't-isa.


May mga naglabasan ring video kung saan inihayag mismo ng batikang aktres kung gaano niya kamahal ang aktor bilang anak at totoong anak na rin ang turing  niya rito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo