Angel Locsin & Barbie Forteza Bumisita Na Sa Burol Ni Jaclyn Jose! Jaclyn Patuloy Parin Binibisita!

Biyernes, Marso 8, 2024

/ by Lovely


 Kapamilya actress Angel Locsin nagparamdam na muli sa social media matapos magpunta sa burol ng yumaong batikang aktres na si Jaclyn Jose. Maging ang Kapuso aktres na si Barbie Forteza ay bumisita na rin sa burol ni Jaclyn Jose upang magbigay ng huling respeto.


Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ang buong entertainment industry dahil sa biglaang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose.


Marami ang hindi makapaniwala na tuluyan nang namaalam ang aktres na si Jaclyn Jose dahil napapanood pa ito sa teleseryeng Ang Batang Quiapo at marami pang mga proyekto ang nakahanay para sa kanya.


Marami rin sa mga nakasama nitong mga artista ang rumirespeto rito at iniodolo siya sa nasabing larangan dahil sa kanyang galing sa pag-arte at maayos na pakikisama.


Kaya naman sa kasalukuyang dinadagsa ng mga malalapit na kaibigan at mga dati niyang mga nakatrabaho ang burol nito. Marami ang hindi makakalimot kay Jaclyn Jose dahil sa pagiging mabuting tao nito noong nabubuhay pa.


Marami ang napakitaan niya ng kabutihan kaya naman marami rin ang labis na nagdadalamhati sa kanyang biglaang pagkawala.


Kabilang sa mga nakiramay ay ang aktres na si Angel Locsin na kaagad na nagpaabot ng mensahe para kay Jaclyn Jose, ikinagulat ito ng marami dahil magdadalawang taon nang nanahimik ang aktres sa social media.


Maging ang Kapuso actress na si Barbie Forteza na dating nakatrabaho ni Jaclyn Jose ay nagpunta na rin sa burol ng yumao. Hinding-hindi umano niya malilimutan ang angking galing at professionalism ni Jaclyn Jose pagdating sa trabaho.


Inamin rin ni Barbie Forteza na hindi siya kaagad naniwala sa balita ng pagpanaw ni Jaclyn Jose subalit ng magresearch siya sa Google ay nakumpirma niyang totoo palang namaalam na ang aktres.


Sa isang panayam, inamin ni Barbie Forteza na iniidolo niya si Jaclyn Jose dahil sa galing nito at nais pa sana niya na makatrabaho itong muli dahil naging maiksi lamang umano ang pagkakatrabaho nilang dalawa sa isang teleserye.


Sumakabilang buhay ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa edad na 60 noong March 2, 2024 sa loob ng kanyang pamamahay.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo