Inamin ng Kapamilya actor-director na si Coco Martin na hindi pa niya alam kung paano tatapusin ang karakter ng namayapang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa teleseryeng Ang Batang Quiapo.
Ayon kay Coco Martin marami pa sana siyan planong gawin sa karakter ni Jaclyn Jose sa nasabing teleserye bilang si Chief Espenas.
Dahil dito, marami sa mga netizens ang naniniwalang may ipapalit si Coco Martin sa karakter ni Chief Espinas. Tiyak umanong may ipapasok umano si Coco Martin na panibagong artista sa Batang Quiapo.
Ayon pa sa ilang mga haka-haka na may pinagpipilian na umano si Coco Martin mula sa mga kilalang aktres na batikan na rin sa larangan ng pag-arte.
Sa kabila nito, alam rin naman umano ng mga netizens na marami ang makakamiss sa batikang aktres na si Jaclyn Jose matapos ang biglaang pagpanaw nito noong March 2, 2024.
Sa panibagong yugto ng inaabangang teleserye na Ang Batang Quiapo, makakatagpo na naman si Tanggol ng mga panibagong karakter na tutulong sa kanya habang ang iba naman ay lalong magdadala ng paghihirap at pasakit sa kanya.
Nauna na rito, lumabas ang mga haka-hakang magkakaroon ng karibal si Bubbles sa puso ni Tanggol sa karakter na gagampanan ni Kim Rodriguez.
Sa kabilang banda, may mga haka-hakang papasok sa Ang Batang Quiapo si Sharon Cuneta, dahil ito umano ang ipapalit ni Coco Martin kay Jaclyn Jose.
May posibilidad din umano ito dahil nauna na silang nagkasama sa iisang teleserye noon sa Ang Probinsyano.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!