Bea Alonzo Inirereklamo Ng Mga Kasambahay, Masyadong Mahigpit

Martes, Marso 12, 2024

/ by Lovely


 Laman ng mga usap-usapan ngayon ang mga isiniwalat ng kilalang beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin patungkol sa Kapuso actress na si Bea Alonzo patungkol sa mga kasambahay umano nitong nagrereklamo laban sa aktres.


Sa kamakailang episode ng programa nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika na Cristy Ferminute, natalakay nila ang nakarating na balita kay Cristy Fermin patungkol sa totoong pagtrato ni Bea Alonzo sa kanyang mga kasambahay.


Bagama't maayos naman umano ang pagpapasweldo ni Bea Alonzo sa mga ito at kahit pa kumpleto naman ang mga ito sa mga benefits, marami pa rin ang mga nagrereklamo dahil hindi sila pinapayagan ni Bea Alonzo na makapag-day off at minsan ay bigla na lamang umanong pinapalayas ng aktres.


Isiniwalat din ni Cristy Fermin na pinapabayad umano ni Bea Alonzo ang kanyang driver sa tuwing nasisira ang sasakyan o kapag nasangkot ito sa isang aksidente.


Sa ngayon ay hindi pa naman kumpirmado ang balitang ito dahil patuloy pa ring nanahimik ang mga kasambahay ni Bea Alonzo. Tanging mga haka-haka lamang ang naglabasan na nakarating kay Cristy Fermin.


Ayon pa kay Cristy Fermin, tila hindi kakampi ngayon ni Bea Alonzo ang pagkakataon dahil sa mga naglalabasang negatibong isyu patungkol sa kanya na maaring ikasira ng kanyang career.


Nauna nang nabatikos si Bea Alonzo nang biglaang maghiwalay sila ng kanyang fiancee na si Dominic Roque noong January 2024.


Matatandaan na bigla na lamang napansin ng mga netizens na hindi sinusuot ni Bea Alonzo ang kanyang engagement ring. Naglabasan na rin ang mga bali-balitang naghiwalay na sila ni Dominic Roque.


Kasunod nito, naiulat rin ang isyu patungkol sa katayuan ni Dominic Roque, subalit marami na rin ang kumukwestiyon sa totoong ugali ni Bea Alonzo.


Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na nauwi rin sa masalimoot na paghihiwalay ang aktres sa mga naging karelasyon niya noon sa ilang mga lalaking nagmula rin sa showbiz na ngayon ay masaya na sa kani-kanilang mga bagong girlfriends.


Marami rin ang nagsasabi na tila lumalabas na ngayon ang totoong ugali at kulay ni Bea Alonzo na maging ang mga kasambahay nito ay naglalabas na rin ng saloobin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo