Umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens at maging ng mga celebrities ang ipinatayung resort sa gitna mismo ng Chocolate Hills na matatagpuan sa Bohol.
Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang ipinatayung resort sa gitna mismo ng Chocolate Hills sa Bohol.
Marami sa mga netizens ang nagalit at nabahala sa hakbang na ito dahil sa pagsira sa umano'y natural na ganda sa nasabing lugar.
Maging ang ilang mga celebrities ay nagbigay na rin ng kani-kanilang mga reaksyon sa pamamagitan ng kanilang mga social media accounts.
Una na sa mga celebrities na ito ay ang singer na si Janno Gibbs na sinasabing binaboy na umano ng mga nagmamay-ari ng resort ang Chocolate Hills. Kinwestyun din nito ang DENR sa pagbibigay ng consent para maipatayo ang nasabing resort.
Hindi naman makapaniwala ang beteranong aktor na si Gardo Versoza na may naglakas ng loob na magpatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills na sumira sa natural na ganda sa nasabing lugar.
Maging ang dating beauty queen at actress na si Wynwyn Marquez ay hindi rin nagustuhan ang pagpapatayo ng resort sa Chocolate Hills. Kinwestyun ni Wynwyn ang may-ari ng resort na ito at kung pinayagan nga ba ng mga otoridad ang paggawa nito.
Ikinalungkot naman ng aktres na si Anne Curtis ang pagpapatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills. Hindi rin ito makapaniwala na pinayagan ng government ang pagpapagawa ng resort na nakasira sa perfect view ng Chocolate Hills.
Samantala nagbigay naman ng mas detalyadong balita ang news anchor na si Gretchen Ho patungkol sa nasabing resort.
Sa kanyang social media account ibinahagi ni Gretchen Ho ang official statement ng DENR patungkol sa viral resort sa gitna ng Chocolate Hills.
Sa official statement ng DENR, inihayag nila kailangan pa ring mag-comply ng mga may-ari ng mga titled lands, kung ito ay titled na bago ang proclamation, sa lahat ng mga protected areas sa mga restrictions at regulations bago gamitin ang lupa o ipa-develop.
Ikinagulat din ni Gretchen Ho nang malaman na sa mismong resort rin pala ginanap ang Bohol Provincial Meet noong nakaraang buwan
Nag-ugat ang balitang ito nang i-feature ng isang vlogger ang resort sa gitna ng Chocolate Hills na kaagad umani ng mga negatibong komento mula sa mga netizens.
Marami ang mga nagsasabi na masakit sa mata ang resort na perfect view ng mga Chocolate Hills. Binabatikos rin nila ang may-ari ng resort dahil sa pag-iisip nitong sirain ang kalikasan para lamang magkaroon ng pera.
Sa kabilang banda, nabigyan na pala ng Temporary Restraining Order mula sa DENR ang resort noon pang September 2023 pa subalit hanggang ngayon ay operational pa rin ito.
Subalit ayon naman sa pahayag ng LGU ng Sanbayan Bohol, hindi naman umano nila natanggap ang restraining order mula sa DENR.
Hindi umano nila alam na may temporary closure order pala ang resort mula sa DENR, wala rin umano silang natatanggap na kopya ng order.
Sa ngayon ay ipinapasara na ng DENR ang resort na nasa loob ng Chocolate Hills protected area at nais na ring imbestigahan ng senado kung paano naipatayo ang resort na ito. Tinitingnan rin kung accountable ba ang mga LGU ng nasabing lugar sa pagpapabaya sa pagpreserve ng Chocolate Hills.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!