Coco Martin Bumisita Na Sa Burol Ni Jaclyn Jose Tinupad Ang Hiling Ni Jaclyn Noong Nabubuhay Pa!

Miyerkules, Marso 6, 2024

/ by Lovely


 Bumisita na sa burol ng namayapang aktres na si Jaclyn Jose ang Kapamilya actor-director na si Coco Martin na nakasarama rin ng aktres sa teleseryeng Ang Batang Quiapo.


Isa ang director-actor na si Coco Martin sa mga taong naging malapit kay Jaclyn Jose habang ito ay nabubuhay pa.


Kaya naman ng malaman nito ang nakakalungkot at nakakabiglang balita patungkol sa nangyari ay isa siya sa labis na nalulungkot.


Samantala, tila tinupad naman ni Coco Martin ang hiniling sa kanya noon ni Jaclyn Jose na kung anuman ang mangyayari sa kanya ay hindi siya nito kakalimutan.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon isa si Coco Martin sa mga naunang nagpunta sa bahay ni Jaclyn Jose ng mabalitaan niyang natagpuan na lamang ang katawan ng batikang aktres na wala nang buhay.


Sa kabilang banda, nagbahagi naman ng tribute si Coco Martin para kay Jaclyn Jose sa kanyang official social media account.


Dito, inihayag ng aktor ang kanyang pamamaalam kay Jaclyn Jose at ang kanyang pasasalamat at pagmamahal rito.


Maging ang kabuuang cast ng Ang Batang Quiapo ay naroon rin sa burol ni Jaclyn Jose dahil isa rin naman ito sa cast ng nasabing teleserye.


Pakiramdam din umano ng buong cast ng Ang Batang Quiapo na nawalan sila ng ina dahil sa biglaang pagpanaw nito nang hindi man lamang sila nakapagsabi ng kanilang mga paalam para rito.


Nitong March 3 ng gabi ikinagulat ng mga netizens ang paglabas ng balitang pumanaw na batikang aktres na si Jaclyn Jose. Natagpuan na lamang umano ito na wala nang buhay sa loob ng kanyang tahanan.


Marami ang nag-akalang sa araw na ito pumanaw ang aktres dahil sa balita subalit marami nang mga haka-haka na maaring March 2 pa ito pumanaw dahil nangingitim na umano ito ng matagpuan.


Nakumpirma naman ito nang isiwalat mismo ni Andi Eigenmann na noon pang March 2 pumanaw ang kanyang ina dahil sa heart attack.



@kingcocomartin Ang sakit! Bye Chief… 🥺🕊️🤍 #cocomartin #jaclynjose #chiefespinas #RIP #batangquiapo #fyp #foryoupage #foryourpage #fy #foryou #fypph ♬ original sound - Mark

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo