Daniel Padilla, May Bagong Restaurant Sa Dubai

Huwebes, Marso 7, 2024

/ by Lovely


 Tila pinagbubutihan ngayon ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang kanyang mga negosyo, matapos ma-isyung  naghihirap na ito at nalulugi na ang kanyang mga negosyo.


Nag-ugat naman ang paniniwala na ito ng mga netizens dahil sa pagbibenta ni Daniel Padilla sa kauna-unahang sportscar na nabili nila ni Kathryn Bernardo. Nasundan pa ito sa pagbibenta naman ni Karla Estrada sa kanilang mansyon.


Bukod pa rito, naglabasan rin sa ilang mga vlog ng kilalang showbiz columnists na umano'y ibinibenta na rin ni Daniel Padilla ang iba pa niyang mga negosyo kabilang na ang franchise ng fast food chain nila sa Tacloban City, Leyte.


Hindi naman nagbibigay ng anumang pahayag si Daniel Padilla sa lahat ng mga natatanggap niyang pambabatikos.


Dahil dito, marami ang nagulat at napapuri na lamang sa aktor ng lumabas ang balita na ito ang kauna-unahang Pilipino na nagkaroon ng restaurant business sa Dubai.


Pinagkakaguluhan ngayon ng mga kababayan nating Pilipino sa Dubai ang aktor na si Daniel Padilla sa pagbubukas ng kanyang panibagong negosyo roon.


Si Daniel Padilla ang isa sa mga may-ari at guest ng kabubukas pa lamang ng Spice Grill Restaurant sa kabubukas pa lamang din na  Flayva food hall na matatagpuan sa Al Ghurair Center, Dubai, United Arab Emirates.


Trending ngayon sa ilang mga social media platforms si Daniel Padilla at ang mga kuhang larawan at video niya habang naroon siya sa Dubai.


Makikita sa mga nasabing video na masayang nakikipagkulitan at nakikipag-selfie si Daniel Padilla sa kanyang fans na nagpunta sa kanilang opening.


Makikita ring excited ang aktor sa panibagong business ventures na kanyang pinasukan. May ilang mga fans naman si Daniel Padilla rito sa Pilipinas ang napa-sana all na lamang sa interactions ng aktor sa mga Pilipino na naroon sa Dubai.


Ayon sa naging pahayag ni Daniel Padilla, malaki ang pinagbago ng lugar at talagang nakakabilib. Noon pa man ay gusto na umano niya ang pagpunta sa Dubai at nakikita na niya ang kanyang sarili na magsimula ng negosyo roon.


Dagdag pang pahayag ni Daniel Padilla na ang buong lungsod ay binuo sa paligid ng walang katapusang mga posibilidad at ang ideya na kahit anong maisip mo ay magagawa.


Ang Spice Grill Restaurant ay nagbukas noong 2020 at nito lamang ay binuksan nila ang kanilang ikalawang branch na kung saan isa sa may-ari si Daniel Padilla.


Naniniwala rin umano si Lourds Adalia-Evertse and Cristine Caringal-Melad, na ang investment ni Daniel Padilla ay siyang makakatulong para lalong lumago ang kanilang negosyo.


Isiniwalat rin nila na gumawa ang kanilang team ng panibagong recipe na exclusive lamang sa nasabing branch.


Kilala ang Spice Grill sa kanilang sariwang sea food na niluluto sa iba't-ibang mga sauces.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo