Finally! Maris Racal Anthony Jennings First Solo Project Together Mas Pinakilig Ang Fans!

Huwebes, Marso 7, 2024

/ by Lovely


 Pinasabik ng Can't Buy Me Love Stars na sina Maris Racal at Anthony Jennings ang mga netizens sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aktres ng kanilang mga larawan kasama ang kilalang director na si Direk Jason P. Laxamana.

Lalo pang pinasabik ni Maris Racal ang kanilang mga fans dahil simpleng 'Hi' lamang ang isinulat niya sa caption.


Naging malinaw naman ito sa kanilang mga tagahanga ng ibahagi ng Kapamilya Online World page ang mga larawan ng dalawa kung saan kasama na nila ilang mga empleyado ng ABS-CBN.


Sa kanilang caption, malinaw na nakasaad ang pagkakaroon ng panibagong project ng tambalang SnoRene o ang tamabalan nina Maris Racal at Anthony Jennings.


Samantala, sa isang Instagram stories ni Terson Raven ay ibinahagi naman niya ang set and appearance nina Maris Racal at Anthony Jennings na tila mayroong loop test na nagaganap.


Ikinatuwa naman ito ng mga fans nina Maris Racal at Anthony Jennings dahil nangangamoy na umano na magkakaroon na ng pelikula ang dalawa kuung saan sila na ang bida at hindi na lamang supporting characters katulad sa series na Can't Buy Me Love.


Matatandaan na unang napansin ng mga manonood sina Maris Racal at Anthony Jennings matapos mag-viral ang kanilang 'poop scene' sa seryeng Can't Buy Me Love.


Mula noon ay inaabangan na at kinagigiliwan ng mga manonood ang tambalang SnoRene at marami ang naku-curious saan hahantong ang kanilang love story sa nasabing teleserye.


May ilan pa sa mga fans ng dalawa ang naging emosyunal dahil sa wakas ay napansin na rin umano ng management ang potensyal ng dalawa.


Samantala, inaabangan ngayon ng kanilang mga tagahanga kung ano ang magiging takbo ng lovestory ng karakter nina Maris Racal at Anthony Jennings bilang si Irene at Snoop sa teleserye dahil sa pagpasok ng karakter na si Aldrich na ginagampanan naman ni Jake Ejercito na pagseselosan ni Snoop.


Marami ang humanga sa dalawa dahil sa dala nilang goodvibes at nakakatuwa ang kanilang mga eksena kahit hindi ito scripted.


Sila rin umano ang nagpapatunay na hindi lahat ng loveteam ay kailangan maging magjowa upang tanggilikin ng madla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo