Naglabas na ng desisyon ang GMA Network at TAPE Incorporated sa kung ano ang gagawin nila sa noontime show na Tahanang Pinakamasaya na tila hanggang ngayon ay patuloy na nakakatanggap ng mga negatibong komento mula sa mga netizens.
Tinuldukan na ng GMA7 at TAPE Incorporated ang kanilang noontime variety show nila na Tahanang Pinakamasaya na hino-host nina Isko Moreno, Paolo Contis, Betong Sumaya. Buboy Villar, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Dasuri Choi at iba pang mga Kapuso stars.
Ang pamagat na 'Tahanang Pinakamasaya' ang ipinalit ng TAPE Inc. sa dating pamagat ng kanilang show ng 'Eat Bulaga' matapos panigan ng korte ang appeal ng TVJ patungkol sa pagmamay-ari nila sa copyright ng 'Eat Bulaga' bilang totoong creator nito.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, masyado umanong malaki ang bayad sa airtime ng nasabing noontime show bukod pa rito, malaki rin umano ang ibinabayad ng TAPE Incorporated para sa talent fee ng mga hosts at may mga gastusin rin umano na hindi pa kasali sa mga nabanggit.
Kaya naman nakagawa umano ng mutual decision ang TAPE Incorporated at GMA7 na tatapusin na lamang ang Tahanang Pinakamasaya. Simula lunes, mag-replay episodes na muna ang mapapanood sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya.
Iginiit rin ng source na hindi naman tsinugi ng GMA7 ang nasabing show kundi nagmula umano ang desisyon na ito sa TAPE Incorporated na siyang producer ng Tahanang Pinakamasaya.
Hindi naman umano nagpaalam ang mga hosts ng Tahanang Pinakamasaya dahil patuloy pa rin silang humihirit na ipagpatuloy ang show kahit hanggang sa huling araw na lamang nila sa darating na March 7, 2024.
Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa naman malinaw kung ano ang ipapalit ng GMA7 sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya. Marami naman sa mga fans ng It's Showtime na sana ay ito na lamang ang ipalit nila upang mas marami na ang makakapanood nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!