Inamin ng actress fashion icon na si Heart Evangelista ang kanyang greatest heartbreak patungkol sa pagkakaroon ng sariling anak.
Isiniwalat ni Heart Evangelista na nag-eexpect na sana sila ng baby ng kanyang mister na si Chiz Escudero nito lamang February 2024 bago ang kanilang renewals of vows.
Subalit, muli na namang nabigo mag-asawa dahil hindi nabuo ang perfect female sana nilang dalawa.
Ayon sa pagsisiwalat ni Heart Evangelista sa isang episode ng Fast Talk With Boy Abunda, hindi man umano siya buntis, ay nag-eexpect na sila ng baby girl ni Sen. Chiz Escudero.
Buong akala umano ni Heart Evangelista ay tuluyan nang mabubuo ang kanilang baby ni Chiz Escudero subalit hindi pa rin ito ibinigay sa kanila.
Aminado si Heart Evangelista na nahihirapan siya sa pagkakataong ito dahil pinaghandaan na niya ang pagdating ng kanilang anak.
Sa katunayan ay naghanda na umano siya ng pangalan para sa magiging anak sana nila ni Chiz kung saan ibabahagi niya ang lahat ng nasa kanya ngayon.
Ayon kay Heart Evangelista, Sofia Heart ang ipapangalan sana niya sa kanilang anak kung sakaling tuluyan itong nabuo.
Naging emosyunal pa si Heart Evangelista sa kanyang pag-amin, hindi dahil sa hindi sila napagbigyan ng panginoon ng anak kundi dahil napakahirap para sa kanya na maharvest lamang ang mga eggs sa pamamagitan ng IVF procedure.
Naniniwala naman si Chiz Escudero na may reason ang Panginoon sa hindi pagkakabuo ng kanilang magiging baby girl at hinahanda na umano ito para sa kanila.
Iginiit din ni Heart Evangelista na bagama't nalulungkot siyang nawala na ang kanyang kahuli-hulihang baby girl hindi naman umano siya nagrereklamo sa Panginoon dahil naging blessed naman umano siya sa ibang mga bagay.
Ibinahagi rin ni Heart Evangelista ang kanyang greatest mistake sa kaparehong panyam ni Boy Abunda. Ayon kay Heart Evangelista ang pinakamalaking pagkakamali niya ay iyong nagtiwala siya ng lubos sa mga taong nagbabalat-kayo lamang pala.
Bagama't walang binanggit na pangalan si Heart Evangelista, marami ang naghinalang may kinalaman rito ang dati niya Glam Team na ngayon ay nasa puder na ni Pia Wurtzbach.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!