Matapos mapaalis sa TV5, usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang posibleng pagkakalipat ng isa pang Kapamilya show sa GMA7.
Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa posibilidad na malilipat rin umano sa GMA Network ng Kapamilya show na Magandang Buhay matapos itong masipa mula sa TV5.
Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon ay pina-final na lamang umano ng ABS-CBN at GMA Network ang simulcast ng nasabing morning talk show.
Samantala, naniniwala naman ngayon ang ilang mga netizens na may posibilidad na may katotohanan ang balitang ito dahil nauna nang nailipat sa main channel ng GMA7 ang Kapamilya noontime show na It's Showtime bilang pangunahing show nila.
Matatandaan na hindi man lamang nagkaroon ng abiso na hindi na pala mapapanood ang morning talk show na Magandang Buhay dahil akala ng maraming mga fans na ililipat lamang ito ng timeslot subalit hindi na ito napanood.
Ang morning talk show na Magandang Buhay ay pinangungunahan nina Regine Velasquez, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ay unang umire sa 9:30 a.m timeslot ng TV5 noong February 2023.
Inilipat naman sila sa panibagong timeslot na 7:00 a.m ng TV5 noong June 2023 kung saan tanging replays na lamang ang kanilang ipinapalabas, at usap-usapang ililipat muli sila sa mas maagang timeslot na 6:00 a.m subalit tila hindi na umano pumayag ang management kaya pinull-out na lamang ang show sa TV5.
Sa kabilang banda, marami naman sa mga tagasuporta ng ABS-CBN ang bumabatikos sa TV5 dahil iniitsapwera nila ang mga shows ng ABS-CBN na umiire sa kanilang channel.
Naua na rito ang planong paglipat ng timeslot noon ng It's Showtime at ibigay ang dating timeslot nito sa TVJ na kalilipat lamang sa kanila dahil sa naging internal issue sa TAPE Inc.
Ngayon ay ang Magandang Buhay naman umano ang inatsapwera nito.
Samantala, hindi naman pabor ang ilang mga fans ng GMA7 sa pangungupkop ng network sa mga shows ng ABS-CBN dahil tila pinapatunayan lamang umano nito na mas magaling talaga ang mga talents ng Kapamilya networks.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!