Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang mayroon nang inihahandang programa ang GMA7 na siyang papalit sa iniwan timeslot ng Tahanang Pinakamasaya matapos ang pagkaka-call off nila.
Marami ang naghinalang noon pa man ay kasado na kung ano ang show na ipapalit ng GMA7 sa Tahanang Pinakamasaya subalit hindi pa lamang nila ito inilalabas upang hindi naman sila magmukhang atat na palitan ang na-call off na show.
Samantala, nang matanong naman ang ilang mga staff patungkol sa isyung ito ay nanatiling tikom ang kanilang bibig dahil wala pa naman umanong sinasabi sa kanila ang pamunuan kung ano ang susunod na mangyayari.
Sa ngayon ay mga lumang pelikulang Pilipino ang pansamantalang papalit sa timeslot na naiwan ng Tahanang Pinakamasaya.
Samantala, may mga bulung-bulungan naman ngayon na umano'y ang team ng Tikto'Clock at Sunday Pinasaya ang gagwa ng panibagong noontime show pero ipapa-approve pa umano ito sa mga big boss.
May mga naghinala rin na kukunin ng GMA7 ang ilang mga naging host ng Tahanang Pinakamasaya sa bago nilang show.
Naging makahulugan rin ang sinabi sa official statement ng TAPE Inc. kung saan inilahad nilang 'see you again' pahiwatig na inaayos nila ang pagbabalik nila sa GMA7.o kaya naman ay may panibagiong istasyon na binabalak nilang lipatan ng kanilang programa.
Bukod pa sa mga usaping ito, naging laman din ng usap-usapan na umano'y may posibilidad rin na magbabalik sa GMA7 si Willie Revillame at ang kanyang programang Wowowin ang papalit sa Tahanang Pinakamasaya.
Samantala, may posibilidad rin namang ilipat ng GMA7 ang It's Showtime mula sa GTV upang ito ang kanilang itapat sa namamayagpag na Eat Bulaga ng TV5.
May mga nagsasabi na may nagaganap ng pag-uusap ang ABS-CBN at GMA7 patungkol sa isyung ito. Marami pa rin naman umano ang mga kondisyon ng magkabilang panig kaya naman hindi pa final ang lahat.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!