Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang mga naglabasang haka-haka patungkol sa noontime variety show na It's Showtime.
May mga naglabasang mga haka-haka na umano'y maaring matigil ang pag-ere ng It's Showtime sa GTV, ang subsidiary channel ng GMA network.
Sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, isiniwalat ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz na pinag-iisipan na umano ng pamunuan ng GMA network kung ang noontime show ba na It's Showtime ang ipapalit nila sa nabakanteng timeslot ng Tahanang Pinakamasaya o gagawa sila ng panibagong noontime show.
Inihayag din ni Ogie Diaz na kung sakali mang gagawa ng panibagong show ang GMA Network may posibilidad umano na matitigil ang pag-ere ng It's Showtime sa GTV dahil nasa ilalim lamang sila ng GMA Network.
Dati ay maari pa umanong sabay na umire ang It's Showtime at Tahanang Pinakamasaya dahil blocktimer lamang ng GMA ang show na produced ng TAPE Inc.
Ngayon, kung sakaling gagawa ng panibagong show ang GMA Network na produced mismo nila para itapat sa mga umiereng noontime show ngayon na It's Showtime at Eat Bulaga, may posibilidad umano na tanggalin ng GMA7 ang katapat nila na umiere sa kanilang network para mas tangkilikin ng mga manonood nila ang kanilang sariling produce na noontime show.
Samantala, marami naman ang nagsasabi na napaka-unfair naman umano ng desisyong ito para sa It's Showtime dahil palagi na lamang silang naapektuhan sa tuwing gagawa ng move ang mga katapat nilang show.
Una na rito ang paglipat ng TVJ sa TV5 dahilan para matanggal ang kanilang show sa noontime slot kaya namang ay umalis na lamang sila sa nasabing network.
Ngayon namang napatigil ang pag-ere ng Tahanang Pinakamasaya maari na naman silang matanggal sa GTV sakaling magpo-produce ng sariling noontime show ang GMA Network.
Sa kabilang banda, patuloy namang hinihiling ng maraming mga netizens na ilipat na lamang sa GMA Network ang It's Showtime bilang blocktimer. Hindi na rin naman umano ito imposible ngayong isa nang content provider ang ABS-CBN.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!