Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang mamamaalam na ang noontime show na produced ng TAPE Inc. na Tahanang Pinakamasaya matapos ang ilang buwan ng pagpapalit nila ng titulo dahil sa pagkatalo sa TVJ.
May 97 staff ng production at 33 na mga empleyado ng TAPE Incorporated ang nakatakdang mawalan ng trabaho dahil sa tuluyan nilang pamamaalam sa telebisyon ng noontime variety show na Tahanang Pinakamasaya na umiere sa GMA7.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang TAPE Incorporated ang producer ng Tahanang Pinakamasaya na dating Eat Bulaga na pinangungunahan ng TVJ na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon. Subalit, dahil sa pag-alis sa biglaang pag-alis ng TVJ sa kanila nagkaroon ng agawan ng titulo na sa huli ay nakuha ng TVJ.
Sa pagkalas ng TVJ sa TAPE Inc. may ilang mga empleyado ring naiwan rito dahil iilan lamang ang pinili nila na isama sa kanilang show sa TV5.
Sa kabilang banda, nakarating naman sa mga hosts ng It's Showtime ang balitang tuluyan nang mamamaalam ang Tahanang Pinakamasaya. Sa kamakailang episode ng It's Showtime inilahad nilang napakalungkot ng balitang ito lalo na sa mga staff at crews na mawawalan ng pangkabuhayan.
Ipinunto pa nila na hindi nararapat na ipagbunyi ng mga sumusuporta sa TVJ ang nangyari sa Tahanang Pinakamasaya dahil dapat ring isipin ang mga taong nawalan ng trabaho lalo na iyong may binubuhay na pamilya at may mga pinapaaral na anak.
Matatandaan na matapos lumabas ang balitang ito, marami sa mga nakikisimpatya noon sa TVJ at bumabatikos sa mga panibagong host ng show ng TAPE Inc. ang natuwa dahil nakarma na umano ito.
May mga fans rin ng It's Showtime ang nagsasabing ngayon magiging bakante na ang noontime slot ng GMA maaring mailipat na umano rito ang show ng ABS-CBN. Tila ba nalimutan ng ilan na bukod sa mga hosts ng Tahanang Pinakamasaya mas maraming mga ordinaryong empleyado ng TAPE Inc. ang mawawalan ng trabaho.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!