Jaclyn Jose May Inamin Sa Aktor Na Si Coco Martin Bago Mawala!

Miyerkules, Marso 6, 2024

/ by Lovely


 Hindi rin makapaniwala ang actor-director na si Coco Martin na pumanaw na ang batikang aktres na si Jaclyn Jose, na isa sa mga tumuturing sa kanya bilang isang totoong anak.


Nagpunta sa burol ng yumaong si Jaclyn Jose si Coco Martin nitong March 5, 2024 alas 7 ng gabi sa Arlington Memorial Chapel Araneta Ave. Quezon City upang magbigay ng huling respeto para sa namayapa at para makiramay na rin sa mga naulila nitong mga anak.


Makikita ang lungkot sa mata ni Coco Martin habang kinakausap siya ng press para magbigay ng kaunting pahayag patungkol kay Jaclyn Jose na isa sa mga nakasama niya sa hit teleserye na Batang Quiapo.


Huling nakasama ni Coco Martin si Jaclyn Jose sa noon lamang nakaraang linggo sa taping nila. Kaya naman hindi pa umano nila matanggap na ngayon ay pumanaw na ito.


Ramdam rin umano sa kanilang trabaho ang pagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn Jose nitong March 2, dahil sa atake sa puso.


Napakatahimik umano ng kanilang set at halatang down at nalulungkot sila dahil sa nangyari. Hindi man umano nila napag-uusapan ang biglaang nangyari kay Jaclyn subalit ramdam umano niya na bagsak ang buong team.


Ang bigat umano ng kanilang nararamdaman dahil unexpected ang nangyari kay Jaclyn Jose.


Hinding hindi umano malilimutan ni Coco Martin ang pamamaalam niya kay Jaclyn Jose dahil lalaya na ang kanyang karakter sa Batang Quiapo. Nagpaalam umano siya rito at sinabing mahal niya ito.


Sinagot naman umano siya nito ng love you nak, hindi umano niya halos matanggap na totoong pagpapaalam na pala ang naganap sa kanila dahil pumanaw na ito at hindi na niya makakausap pang muli.


Ayon pa kay Coco Martin na wala naman siyang napansin na kakaiba sa kalusugan si Jaclyn Jose habang nagtatrabaho sila pero napansin umano niyang may dinadalang kalungkutan si Jaclyn na sinasarili lamang nito.


Maging sa mga eksena ay nakikita rin umano niya ang kakaibang kalungkutan ni Jaclyn Jose na makikita sa mga mata at emosyon nito.



@syrile_2022 DIREK COCO MARTIN EXPRESSING HIS GRATITUDE ABOUT MISS JACLYN JOSE♥️#cocomartin #famous #latest #popular #trendingvideo #fyptrending #fyp #tiktokphillipines #fypviral #fypspotted #jacklynjose #exoticnurse ♬ original sound - ♀️𝑬𝑿𝑶𝑻𝑰𝑪𝑵𝑼𝑹𝑺𝑬♏

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo