Jalosjos, Sinisisi Ang TVJ Sa Pagkalugi Ng TAPE Incorporated

Lunes, Marso 11, 2024

/ by Lovely


 Sinisisi ng Television and Production Exponent Incorporated ang desisyon nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na kilala rin bilang TVJ, iba pang mga dating hosts at staff ng Eat Bulaga sa nararanasang misfortune nila ngayon matapos ang pagkakatigil ng kanilang noontime show na Tahanang Pinakamasaya.


Ayon sa mga kumakalat na balita ngayon, sinisisi umano ng TAPE Inc. ang TVJ sa nangyaring pagkalugi kompanya na naging dahilan upang gawin nila ang napakahirap na desisyon, ang tuluyang itigil ang kanilang show na Tahanang Pinakamasaya.


Naniniwala rin ang mga Jalosjos na wala naman silang ginawang masama sa pag-step in nila sa Eat Bulaga noon dahil ang mga taong naghahandle noon sa nasabing show ay gumagawa ng mga maling desisyon.


Iginiit ng TAPE President at Chief Executive Officer na si Jon-jon Jalosjos, na bago sila pumasok at nakialam sa pamamalakad ng show ay nakita na nila ang mga reports na palaki na ng palaki ang diperensya ng paggastos at ng income, sa makatuwid ay nalulugi na ang show.


Tila nagpahiwatig pa si Jon-jon Jalosjos na tila planado umano ng TVJ at mga kasamahan nito ang pag-alis sa kanilang puder matapos silang ibaon sa malaking pagkakautang.


Sila umano ang humarap sa lahat ng mga problema na iniwan ng mga ito sa GMA7 at sa kanilang show samantalang ang mga ito ay nagsasaya sa pagkakaroon ng panibagong simula sa kanilang panibagong show.


Ginawa naman umano nila ang lahat ng kanilang makakaya para makabangon muli ang Eat Bulaga na ngayon ay Tahanang Pinakamasaya, subalit, tila nahuli na ang lahat dahil lumubo na ang kanilang pagkakautang sa GMA7.


Matatandaan na noong nakaraang taon, naiulat na nagkaroon ng internal issue ang Eat Bulaga matapos ang pagtake over ng mga Jalosjos.


Isa ito sa mga dahilan kung bakit tuluyang umalis ang TVJ sa kanilang puder kasama ang iba pang mga host ng show at mga loyal staffs.


Ayon sa mga kumakalat na ulat, may ilan sa mga mainstay host ng show ang nais palitan ng mga Jalosjos at may mga babaguhin rin sa segment ng show dahil sa paningin ng mga Jalosjos ay boring na ang mga ito.


Hindi ito nagustuhan ng TVJ kaya naman nagpasya silang umalis.


Nakahanap naman kaagad sila ng panibagong tahanan sa TV5 at nakapagsimula ng panibagong show na pansamantalang pinamagatan nilang EAT habang inilalaban pa nila sa korte ang copyright ng Eat Bulaga.


Nang lumabas ang desisyon ng korte kung saan pumanig sa kanila ang desisyon nagamit na nila ang titulong Eat Bulaga habang napilitan naman ang TAPE Inc. na palitan ang kanilang pamagat sa Tahanang Pinakamasaya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo