Kampo Ng Viral Chocolate Hills Resort Naglabas Na Ng Opisyal Na Pahayag

Huwebes, Marso 14, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang kampo ng controversial resort na  ipinatayo sa paanan ng Chocolate Hills, kung saan inilahad nilang labis silang nalulungkot sa mga natatanggap na pambabatikos mula sa mga netizens at maging ng ilang malalaking personalidad sa lipunan.


Matatandaan na kamakailan lamang, ay nag-viral ang Captain's Peak Garden and Resort na matatagpuan sa paanan ng Chocolate Hills matapos itong maging content ng isang vlogger.


Kaagad na umani ito ng samu't-saring pambabatikos dahil sinisira umano nito ang natural na kagandahan sa nasabing lugar.


Bukod pa rito ang Chocolate Hills ay isang UNESCO World Heritage Site at isang protektadong lugar sa ilalim ng Proclamation No. 1037, series of 1997 at Republic Act No. 7586 o ang National Integrated Protected Areas System  Act of 1992.


Sa kabila nito, inihayag ng pamunuan ng Captain's Peak Garden and Resort na ang pagpapatayo nila sa nasabing resort ay legal at nakakuha umano sila ng permit mula sa LGU at maging sa Department of Environment and Natural Resources.


Ayon sa opisyal na pahayag ng Captain's Peak Garden and Resort, ang kanilang plano sa pagtatayo ng resort ay sumailalim sa mahigpit na pagsusuri. Nakatanggap rin umano sila ng mga kinakailangang pag-apruba mula sa mga kinauukulang awtoridad, kabilang ang Department of Environment and Natural Resources. 


Bukod pa rito nakasunod din umano sila sa lahat ng mga regulasyon sa kapaligiran at gumawa ng mga hakbang upang mabawasan ang ecological footprint sa buong proseso ng construction.


Iginiit din nila na kinikilala nila ang kahalagahan ng Chocolate Hills bilang isang UNESCO World Heritage Site at alam rin umano nila ang kanilang responsibilidad na pangalagaan ang integrity nito. 


Tinitiyak din umano nila sa publiko na ang mga operasyon ay isinasagawa nang may lubos na pangangalaga at pagsasaalang-alang para sa kapaligiran.


Samantala, nauna nang naglabas ng official statement ang DENR kung saan inilahad nila na noong pang September ng nakaraang taon nila binigyan ng temporary closure order ang nasabing resort at binigyan muli ng Notice of Violation nitong January 22, 2024 dahil sa kanilang pag-ooperate kahit walang ECC.


Pina-iimbestigahan na rin ng Senado kung bakit nakalusot ang resort na ito at kung paano sila nakakuha ng sinasabing permit. Iniimbistigahan na rin kung may nalabag pa ang local governement unit ng Sagbayan Bohol sa pagpayag nila sa contruction ng Captain's Peak Garden and Resort.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo