KC Concepcion Buntis at Engaged Na Nga Ba? Ito Ang Napansin Ng Netizens Sa Latest Post Ni KC!

Martes, Marso 19, 2024

/ by Lovely


 Ikinatuwa ng maraming mga tagahanga ng aktres na si KC Concepcion ang sunod-sunod na pagbabahagi niya ng mga updates patungkol sa kanyang buhay matapos ang ilang buwang pananahimik niya sa social media.


Sa Instagram, ibinahagi ni KC Concepcion ang pag-eenjoy niya sa araw at ang napakagandang lugar ng Batangas.


"I believe our best days are yet to come. Here’s to a grace filled week," caption ni KC Concepcion sa kanyang post kalakip ang larawan niya habang nasa tubig siya.


Bukod pa rito ibinahagi rin ni KC Concepcion ang mga pagkaing inienjoy niya sa kanyang bakasyon sa Batangas.


Ayon sa pagbabahagi ni KC Concepcion, wala pa rin umanong tatalo sa homecooked Pinoy meals lalo na kapag may sea view.


Narito naman ang ilang mga favorite dishes nila sa kanilang time at the beach:


• Tuyo Pasta 

• Sinigang na Manok

• Paksiw na Tulingan sa Gata 

• Tinapa Lumpiang Shanghai 

• Vegetable Kare Kare 

• Grilled Sweet Corn on the Cob

• Maruya 


All with a round-the-clock serving of Watermelon Shake or that freshly harvested Buko Juice.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens na nagtatanong kung nagdadalang tao na ba si KC Concepcion at kung sakali man ay masaya umano sila para sa aktres.


May mga nagtatanong rin kung ang suot-suot na singsing ni KC Concepcion ay engagement ring na ba niya at kung nalalapit na rin ba ang pagpapakasal nito.


Gayunpaman may ilan namang nagsasabi na hindi ito engagement ring ni KC Concepcion dahil noon pa man ay nakikita na umanong suot-suot ni KC Concepcion ang nasabing singsing.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo