Kim Chiu Paulo Avelino Hindi Na Kinakaya Ang Kilig Na Nararamdaman

Huwebes, Marso 7, 2024

/ by Lovely


 Hindi malabo na magkahulugan ng loob at magkatuluyan sina Kim Chiu at Paulo Avelino lalo na ngayong halos araw-araw silang nagkakasama at nagkakabonding sa set ng ginagawa nilang teleserye na What's Wrong With Secretary Kim?


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ipinapakita pa rin ni Paulo Avelino ang kanyang pagiging maalaga kay Kim Chiu sa harap at likod ng kamera.


Ilang beses na ring namamataan ang aktor na palaging nakaalalay sa Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu. Kahit sila na lamang umano ang magkaharap at wala nang kamera, ganoon pa rin umano ang pag-aalaga ni Paulo Avelino kay Kim Chiu.


Dahil dito, marami ang nagsasabi na hindi malabong mangyari na mahulog si Kim Chiu sa kanya dahil na rin sa pinagdadaanang betrayal ni Kim Chiu sa dating nobyo na si Xian Lim.


Matatandaan na sa isang episode ng showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz naisiwalat ng kilalang talent manager ang ginawa ni Xian Lim bago makipaghiwalay kay Kim Chiu.


Ayon umano sa kanyang mga sources, nagrequest si Xian Lim kay Kim Chiu na ipagluto siya ng paboritong steak at habang kinakain nila ito ay bigla na lamang sinabi ni Xian Lim na makikipaghiwalay na siya kay Kim Chiu.


Samantala, marami rin ang nagkukumpara sa ugali ng dalawa kung saan marami ang nagsasabi na napaka-approachable ni Paulo Avelino.


Hindi umano ito snob sa kanyang mga fans at palagi rin umano nitong pinagbibigyan ang mga taong lumalapit sa kanya para makipag selfie.


May mga nagsasabi rin na tila kakaiba na rin ang tingin ni Kim Chiu kay Paulo Avelino lalo na sa tuwing inaalalayan siya nito.


Marami naman ang naghinala na baka nagdahan-dahan lamang ang dalawa dahil hindi naman umano kailangan na madaliin ang lahat dahil hindi naman sila nakikipaghabulan sa iba.


Nauna nang ipinahayag noon ni Kim Chiu na magkaibigan lamang sila ni Paulo Avelino at ginagawa lamang umano nila ang kanilang trabaho, subalit hindi sang-ayon ang ilan rito dahil napapansin umano nila ang malagkit na tinginan ng dalawa.



@lylia_0207 #kimpau #kimchiu #pauloavelino #loveteam #fyp #viralvideo #trend #foryoupage #fy #foryou #fypã‚·゚viral ♬ Daylight by Taylor Swift sped up - brooke ⎕

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo