Kyle Echarri, Sinabing Bukas Siya Sa Pakikiparelasyon Kay Andrea Brillantes

Huwebes, Marso 7, 2024

/ by Lovely

 

Inilahad ng singer-actor na si Kyle Echarri na handa siyang pumasok sa isang relasyon kasama ang aktres na si Andrea Brillantes.


Naitanong kay Kyle Echarri sa isang panayam kung posibleng mag-level up pa ang pagkakaibigan nila ngayon ni Andrea Brillantes.


Ayon kay Kyle Echarri, hindi niya sinasara ang kanyang puso sa posibilidad na magkaroon sila ng romantic relationship ni Andrea Brillantes.


Subalit, iginiit niyang kontento naman siya ngayon sa estado ng pagkakaibigan nila ni Andrea Brillantes.


Buong pahayag ni Kyle Echarri, hindi pa naman umano niya ang alam ang mangyayari sa hinaharap kaya naman hindi umano niya masasabing hindi pwede at hindi rin naman niya masasabi kung magkakaroon nga sila ng relasyon.


Nauna na rito, ang pag-amin ni Andrea Brillantes na sa kabila ng mga masalimoot niyang pinagdaanan sa pag-ibig ay hindi naman niya isinasara ang kanyang puso na magmahal muli.


Subalit, paglilinaw ni Andrea Brillantes na sa ngayon ay nakatuon lamang ang kanyang pansin sa kanyang trabaho at mga personal goals.


Sa kabilang banda, naging usap-usapan sa ilang social media platforms ang ibinahaging vlog ni Andrea Brillantes kung saan kinasa nila ni Kyle Echarri ang Jowa for A Day Challenge.


Sa nasabing vlog makikita ang pagdidate nila sa isang museum, at nag-baking date din sila sa isang DIY Baking Studio.


Nilinaw rin ni Andrea Brillantes na ang kanilang date sa BGC ay bahagi rin ng kanilang content. Nilinaw ito ni Andrea Brillantes dahil nauna nang kumalat sa social media ang mga video kung saan makikitang nagkasama sila habang pabababa ng escalator.


Nabanggit rin nina Andrea Brillantes na wala naman umanong magiging masama sa kanilang pagkasa sa nasabing challenge dahil pareho naman umano sila ni Kyle Echarri na mga single.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo