Lahat Naiyak! Eulogy Ni Andi Eigenmann Sa Burol Ng Ina Na Si Jaclyn Jose

Miyerkules, Marso 6, 2024

/ by Lovely


 Nagbahagi ng isang emotional message si Andi Eigenmann para sa kanyang namayapang ina, ang batikang aktres na si Jaclyn Jose, na na pumanaw nang mag-isa noong March 2, 2024.


Sa kanyang mensahe inilahad ni Andi Eigenmann na hindi na makakaramdam ng sakit ang kanyang ina matapos ang pagpanaw nito. Naniniwala rin si Andi Eigenmann na magsisilbing gabay nila ang kanyang ina.


“Ika’y nasa araw, sa ulan, sa hangin na aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag-asa at ligaya. Wala na ang sakit. Wala na ang takot,” emosyunal na pahayag ni Andi. 


Dagdag pa niya, “Wala na ang sakit. Wala na ang takot. Makikita kita sa mga ulap, maririnig ang iyong mga bulong ng pagmamahal.  Magkikita din tayong muli sa ngayon didinggin ko muna ang iyong mga awit.”


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may pagkakataon na hindi nagkakasundo sina Andi Eigenmann at ang kanyang namayapang ina na si Jaclyn Jose.


Noong 2021, humingi ng tawad si Jaclyn Jose sa kanyang mga anak sa kanyang mga shortcoming inilahad din niya kung gaano siya ka-proud para rito.


Ayon kay Jaclyn Jose, hinahangaan niya ang kanyang anak na si Andi Eigenmann sa kung anong meron ito ngayon sa kanyang buhay.


Hiniling pa noon ni Jaclyn Jose na sana ay naging matatag siya noon kagaya ng kanyang anak.


Ipinahayag din niya kung gaano niya to kamahal at palagi umano siyang nakasuporta sa lahat ng mga ginagawa nito.


Samantala, noong 2022 hiniling pa ni Jaclyn na sana ay batiin rin siya ni Andi sa kanyang kaarawan para maging kompleto ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo