Liza Soberano May Inamin Ukol Sa Namayapang Aktor Na Si AJ Perez!

Biyernes, Marso 8, 2024

/ by Lovely


 Naging emosyunal ang maraming mga netizens sa isiniwalat kamakailan ni Liza Soberano patungkol sa namayapang si AJ Perez.


Sa isang panayam kay Liza Soberano sa isang Filipino-American vlog, ibinahagi ni Liza Soberano na noong nagsisimula pa lamang siya sa mundo ng showbiz ay talagang iniidolo na niya si AJ Perez.


Kahit noong mga panahong hindi pa siya nag-audition para maging isang artista ay iniidolo na niya ito na kasalukuyang napapanood noon sa teleserye nitong Sabel, kung saan si Jessy Mendiola ang leading lady nito.


Matatandaan na si AJ Perez ay isang sikat na young actor na ABS-CBN mula noong 2006 hanggang sa kanyang biglaang pagpanaw noong 2011 dahil sa isang malagim na aksidente.


Inamin rin ni Liza Soberano na labis siyang nalulungkot sa maagang pagpanaw nito. Hiling din niya na sana ay nakasama rin umano niya ito sa trabaho.


Pagbabahagi pa ni Liza Soberano, na noong araw ng pagpanaw ni AJ Perez ay nadaaanan pa niya mula sa Pangasinan ang kinasangkutan nitong aksidente dahil sa mga oras na iyon ay papunta siya sa kanyang kauna-unahang audition para maging isang artista.


Hindi pa umano makapaniwala si Liza Soberano na si AJ Perez ang naaksidente at tuluyan na itong nawalan ng buhay. Inamin pa niyang gusto niyang magpunta sa burol nito subalit pinigilan siya ng kanyang pamilya dahil hindi naman umano siya kakilala ng aktor.


Ang pagkawala rin umano ni AJ Perez ang dahilan kung bakit ginawa ni Liza Soberano ang kanyang Twitter account para kahit papaano ay magkaroon siya ng memory kay AJ Perez sa pamamagitan ng pag-follow rito.


Naluka pa umano ang aktres nag makatanggap siya ng mensahe mula sa account ni AJ Perez matapos ang pagpanaw nito, noong una ay natakot pa umano siya subalit nalaman niya sa huli na ang mga natatanggap niyang mensahe ay galing na pala sa pamilya ng yumaong aktor.


Sa katunayan, ay naging mabuting magkaibigan umano silang dalawa ng younger brother ni AJ Perez na si Gelo na kalaunan ay ipinakilala siya sa kanilang pamilya.


Sa pagkakataon iyon ay naka-follow naman si Kathryn Bernardo kay AJ Perez dahil magkakilala na ang dalawa. Sa katunayan si AJ Perez sana ang magiging kapartner ni Julia Montes noon sa Mara Clara subalit nangyari ang malagim na aksidente.


Marami ang nalungkot sa biglaang nangyari kay AJ Perez dahil marami ang naghinayang sa kanyang angking talento sa kanyang pagpanaw sa murang edad na 18 years old. Isa si AJ Perez mga 'what could have been' sa showbiz industry dahil sa promising na panimula niya sa industriya.


Naging successful ang maikling panahon niya sa mundo ng showbiz sa loob lamang ng limang taon kung saan tinagurian siyang 'The Next Big Star' ng ABS-CBN.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo