Lolit Solis Natakot Sa Nangyari Kay Jaclyn Jose at Rebelasyon Niya Sa Buhay Ng Mga Artista!

Miyerkules, Marso 6, 2024

/ by Lovely


 Pinaninindigan ng beteranang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis ang kanyang pinaniniwalaang dahilan ng pagpanaw ng batikang aktres na si Mary Jane Guck aka Jaclyn Jose.


Matatandaan na nauna nang isiniwalat ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post ang patungkol sa ikinasawi ni Jaclyn Jose. Ayon sa post ni Lolit Solis, nasawi ito hindi dahil sa heart attack kundi dahil sa nadulas umano ito at dahil nag-iisa lamang ito sa bahay ay walang nakatulong rito.


Sa kanyang latest Instagram post inilahad ni Lolit Solis ang kanyang paniniwala na kapag nagkakaedad na ay dapat iwasan na ang pamumuhay ng mag-isa.


Iginiit din niya na ang nangyari kay Jaclyn ay magsilbing aral sana sa lahat ng mga artista ang nangyari kay Jaclyn Jose.


Naniniwala rin si Lolit Solis na maaring mailigtas pa sana si Jaclyn Jose kung sakaling may kasama ito sa bahay na nakatulong sa kanya kaagad noong mangyari ang insidente noong March 2, 2024.


Gayunpaman, sinabi rin ni Manay Lolit Solis na wala naman talagang makapagsasabi sa mga mangyayari at hindi naman umano mapipigil kung talagan oras mo na.


Matatandaan, na noong 2023, nabigyan ng pangalawang pagkakataon si Lolit na mabuhay matapos magkaroon ng mild stroke nang mabilis na mapansin ng kanyang mga kasambahay ang kanyang kalagayan at isinugod siya sa ospital.


Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Andi Eigenmann kung saan isiniwalat niya ang totoong dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina. Ayon sa pagsisiwalat ni Andi Eigenmann, heart attack ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina.


Hiniling rin nito sa lahat ang privacy at respeto para sa pagluluksa ng kanilang pamilya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo