Magbabalik! Aktres Papalit Sa Karakter Ni Jacklyn Jose Sa Batang Quiapo!

Huwebes, Marso 7, 2024

/ by Lovely

Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang magbabalik na sa showbiz ang veteran actress na si Angel Locsin at papasok umano ito sa teleseryeng Ang Batang Quaipo ng ABS-CBN.


Kumakalat ngayon sa sa social media ang video kung saan sinasabi nitong may posibilidad na magbabalik na sa showbiz ang veteran actress na si Angel Locsin matapos ang kanyang pananahimik sa mundo ng showbiz at social media ng ilang taon.


Ayon pa sa mga usap-usapang ito, papasok si Angel Locsin sa teleseryeng pinangunahan ni Coco Martin na Ang Batang Quiapo at ito umano ang papalit sa karakter ni Jaclyn Jose na kamakailan lamang ay namayapa na.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens marami ang nasiyahan sa balitang masisilayan na naman in-action si Angel Locsin na matagal na ring namimiss ng kanyang mga fans.


Sa kabilang banda, may mga naghinala naman na fake news ang kumakalat dahil ipinunto na rin ng mga malapit kay Angel Locsin na masaya na ito sa kanyang pribadong buhay ngayon.


Maging ang Dreamscape Entertainment ay nagbigay na rin ng linaw sa balitang ito kung saan iginiit nilang walang katotohanan ang balitang ito.


Iginiit rin nila na baka gawagawa lamang ng fan ang nasabing video dahil labis na nilang namimiss ang aktres na bigla na lamang nanahimik at hindi na nagpakita ng walang paalam.


Samantala, hindi pa rin umano alam ni Coco Martin kung paano tatapusin ang karakter ni Jaclyn Jose bilang si Chief Espenas sa Ang Batang Quiapo dahil marami pa umano siyang balak na gawin para sa karakter nito.


Naniniwala rin ang mga manonood ng Ang Batang Quiapo na may ipapalit si Coco Martin kay Jaclyn Jose na papasok sa Batang Quiapo na maaring ipalit ng actor-director sa karakter ni Chief Espinas.

 

@maryjanetamban27 #fypã‚·゚viral #LearnItOnTikTok ♬ Hall Of Fame - PHARAØH & EQRIC & Clayton Jones

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo