Naglabas na ng pahayag ang beteranong aktor na si Rez Cortez patungkol sa madaliang pagkakatanggal niya sa teleseryeng kinabibilangan noon na FPJ's: Ang Batang Quiapo.
Ayon kay Rez Cortez, tinanggal siya sa teleseryeng Ang Batang Quiapo dahil sa natatanggap niyang kaliwa't-kanang pambabatikos.
Idinetalye ni Rez Cortez ang kabuang detalye sa biglaang pagkawala ng kanyang karakter sa Ang Batang Quiapo sa isang panayam ng vlogger na si Morly Alinio.
Naitanong ni Morly kay Rex, kung bakit kaagad nawala ang kanyang karakter sa Ang Batang Quiapo.
Ayon kay Rez Cortez, umabot siya ng pitong buwan sa Ang Probinsyano habang nagsisimula pa lamang ang taping ng Ang Batang Quiapo ay kasama na umano siya sa mga cast subalit nakakatatlong taping pa lamang umano siya sa nasabing teleserye ay nakatanggap siya ng matinding pambabatikos.
Matatandaan na inalmahan ng Muslim Community ang karakter noon ni Rez Cortez sa Ang Batang Quiapo bilang sa Abdul.
Hindi nagustuhan ng mga Muslims ang kanyang karakter dahil sa mga ginagawa niya sa nasabing teleserye na hindi naman ginagawa ng mga Muslims.
Bumawi naman umano sila sa mga Muslims at kinunan nila ang eksena kung saan ipinakita kung bakit ginawa ito ni Abdul.
Ipinakita nila na nagkaganoon si Abdul dahil sa malaking utang niya kay Tanggol, karakter ni Coco Martin sa Ang Batang Quiapo.
Nakabawi naman umano sila sa nasabing eksena, sinabihan rin umano siya ni Coco Martin na gagawin na lamang niyang mabait ang karakter nito.
Ang ibig sabihin na pala ng aktor rito ay pansamantalang mamamahinga ang kanyang karakter. Aminado naman si Rez Cortez na nalungkot siya dahil nawalan siya ng trabaho subalit nangako naman umano si Coco Martin na ibabalik siya sa Ang Batang Quiapo.
Sa pagkakataong ito ay aayusin na umano nito ang kanyang karakter para wala nang community na ma-ooffend.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!