Mahusay Na Aktres Bagong Host Ng Pinoy Big Brother 2024

Biyernes, Marso 8, 2024

/ by Lovely


 Marami sa mga netizens ang napahanga ng aktres na si Jennica Garcia dahil sa ipinakita nitong galing hindi lamang sa pag-arte kundi sa galing nito bilang news caster ng sumalang ito bilang Star Patroller.


Marami ang nagrequest sa TV Patrol na pabalikin muli si Jennica Garcia bilang Star Patroller dahil sa galing umano nito.


Marami rin ang nagsasabing hindi lamang pang-arte ang aktres na nagpakita rin ng kanyang galing sa teleseryeng kinabibilangan noon na Dirty Linen kundi maging sa newscasting dahil pang-news anchor umano ang kanyang husay.


Kamakailan lamang ay sumalang sa TV Patrol bilang Star Patroller si Jennica Garcia kasama ang kanyang naka-tandem na si Melai Cantiveros.


Bukod sa pagiging kwela ng kanilang tandem na nagdala ng goodvibes sa mga manonood, marami ang nakapansin sa talento ni Jennica Garcia sa pagbabasa ng mga news items.


Marami ang nagsasabi na pang-professional news anchor ang datingan ng aktres  kaya naman hindi na umano kataka-taka kung sumalang bilang broadcast journalist sa hinaharap si Jennica Garcia.


Marami rin ang napahanga kay Jennica hindi lamang sa timbre ng kanyang boses habang dinideliver ang balita kundi maging sa kanyang postura sa harap ng kamera.


Buo umano ang boses ng aktres at maganda ang diction niya habang sinasabi ang balita.


Sa kabilang banda, marami rin ang nag-rerequest na maaring isalang si Jennica Garcia sa Pinoy Big Brother sa pagkakaroon nito ng panibagong season at maganda rin umano itong pamalit kay Toni Gonzaga dahil sa galing nitong magdeliver ng line. 


Samantala, hindi pa naman naglalabas ng reaksyon si Jennica Garcia patungkol sa mga natatanggap niyang papuri mula sa mga netizens.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo