May panibagong good news na naman ang isiniwalat ng ABS-CBN matapos ang pagpirma ng kontrata kasama ang GMA Network para sa paglipat ng It's Showtime sa Kapuso Network.
Bukod sa isiniwalat na goodnews ng ABS-CBN nitong myerkules na tuluyan nilang isinara ang deal sa paglipat ng It's Showtime sa Kapuso network sa darating na April 6, 2024.
Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms na hinihiling ng marami na ilagay ang show nina Luis Manzano na It's Your Lucky Day bago ang It's Showtime.
Matatandaan na umani ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens ang show na It's You Lucky Day na pinangungunahan nina Luis Manzano nang ma-suspende ng ilang araw ang It's Showtime dahil sa nagawa nilang violation sa MTRCB.
Samantala, may mga lumabas rin namang mga haka-haka na maari ring ilagay ng GMA ang It's Your Lucky Day bago mag-24 Oras.
Nauna na rito, ang pagbabahagi ni Luis Manzano ng isang video kung saan isiniwalat niya na bigla na lamang pinatawag ang mga dating cast ng It's Your Lucky Day sa hindi nila malamang dahilan.
Hindi rin naman sinabi nina Luis Manzano kung sino ang nagpatawag sa kanya.
Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN patungkol sa show na It's Your Lucky Day. Gayunpaman, buo na ang loob ng mga netizens na talagang magbabalik na ang 'shortest running noontime show' na agad na namaalam sa first episode dahil nasa last 2 weeks na lamang umano sila.
"Sana po talaga ibalik na ang program ang IT’S YOUR LUCKY DAY with Luis Manzano, mas masaya to, lively ang studio participation ng mga audience, Maraming mga papremyo at malalaking pa. Thank you in advance mga heads ng abs CBN Sana ibalik na po ninyo IYLD"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!