Matapos ang pagpirma ng kontrata ng ABS-CBN at GMA Network para sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7 sa darating na April 6, 2024, marami ang nakapansin sa mga pagbabago sa Eat Bulaga ng TVJ na mapapanood sa TV5.
Dati ay sa huling bahagi ng kanilang show ipapalabas ang segment nilang PeraPhy nitong huwebes ay ipinasok kaagad nila ito sa kanilang show matapos ang opening number nila.
Isiniwalat rin nila ang mga aabanganga pasabog ng kanilang show sa mga susunod na mga araw at linggo.
Samantala, marami rin ang nakapansin sa ibinahaging post ng tinaguriang 'Henyo Master' na si Joey De Leon matapos ang contract signing ng ABS-CBN at GMA Network para sa opisyal na paglipat ng It's Showtime sa Kapuso Network.
Sa social media post ni Joey De Leon, ibinahagi niya ang longetivity ng Eat Bulaga at kung paano ito nagpalipat-lipat ng mga stations.
“Whoa! Eat Bulaga is about 14,000 days old today! We have been “running” from network to network since 1979! Kaya ba we are the longest running? Ngek!” pagbabahagi ni Joey De Leon.
Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens na labis na humahanga sa survival ng Eat Bulaga sa gitna ng mga pinagdaanan nilang mga hamon.
"Imagine 1973 ako ipinanganak pag nanunuod ang mga magulang nanunuod na ako 6yrs old palang ako noon sa rpn 9 p kasama si coney at aiza ang tagal nang panahon kaya sa isip ng mga kaidaran ko walang ibang noontime show kundi eat bulaga lang talaga kasi sa student canteen napataob,kaya sana tuloy tuloy lang sana ang pagbigay saya sa mga pilipino"
"Eat Bulaga was born in 1979, taon ng kainitan ng Iranian Revolution saka yung breakdown ng Detente sa pagitan ng USA saka ng dating USSR."
Samantala, maituturing na biggest deal sa history ng telebisyon ang nangyaring contract signing ng ABS-CBN at GMA Network para sa It's Showtime.
Hindi katulad sa TAPE Inc. na block timer sa GMA, ang It's Showtime ay magiging co-produced na ng GMA7 at ABS-CBN.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!