Hindi napigilang magreact ng kilalang singer na si Moira Dela Torre sa copyright isyu na kinakaharap ngayon ni Shaira Mora.
Kamakailan lamang ay tuluyan nang binura sa lahat ng mga music streaming sites ang kanta ni Shaira Moro na pinamagatang 'Selos'.
Matapos magtrending ang kantang 'Selos' sa ilang mga social media platforms, marami na rin ang nakapansin sa pagkakapareho nito ng melody sa kanta ng Australian singer na si Lenka sa kanta nitong 'Trouble is a Friend'.
Bukod sa kantang 'Selos' tinanggal na rin sa mga music streaming platforms ang iba pang mga kanta ni Shaira na may pagkakatulad ng mga melody sa kanta ng ibang mga singers sa loob at labas ng bansa.
Sa gitna ng usaping ito, nagbigay ng pangaral ang kilalang singer na si Moira Dela Torre patungkol sa usapin ng copyright. Bagama't hindi pinangalanan ni Moria Dela Torre ang kanyang tinutuoy, hinala ng marami na ito'y walang iba kundi si Moira Dela Torre.
Ayon kay Moira Dela Torre, dapat ay palaging magbigay ng credits kapag manggamit ng ibang mga melody dahil pinaghirapan din umano ito ng ibang tao.
Buong pahayag ni Moira Dela Torre, "I think my advice to people who want to be in this industry is to just be willing to listen and willing to learn. And to always give credit. Marami kasing hindi educated sa issue, and sana may willing matuto and ma-educate sa copyright."
"Pati ako, kahit nag-music production ako in college and nandito ako sa industriya, ang dami ko pa rin natututunan. How much more sa mga nagsisimula pa lang."
Dagdag pa ni Moira, "Well, I always believed that we all come from some kind of influence and my music came from that. But I believe in ginving credit when it's due."
"I also believe that you give honor to the people that deserve it. It's just what's right. We just have to do what's right and to credit the people that need to be credited, as long as we're all willing to learn, it's a good path to take when you make mistakes."
Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa naging statement ni Moira Dela Torre patungkol sa copyright issue ni Shaira Moro. Ok lang sana umano kung pang personal use lamang ni Shaira ang ginawa niyang kanta na may katulad na melody ng mga existing songs.
Subalit, nasa music streaming platforms na umano ang mga ito ibig sabihin ay pinagkikitaan na niya ang mga ito.
Iginiit din ng marami na may legal procedures naman ang paggamit ng melody ng ibang kanta dahil hindi lang naman umano si Shaira ang gumagawa nito. Kailangan munang humingi ng pahintulot mula sa original artist at kailangan rin niyang magbayad ng royalty.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!