Nakikialam Ba Si Gelli De Belen Sa Lovelife Ng Mga Anak Niya? 'Mabuti Na Lang, Nandito Ako Sa Pilipinas!'

Martes, Marso 19, 2024

/ by Lovely


 Matapos makatanggap ng mga negatibong komento ni Carmina Villaroel dahil sa pakikialam umano nito sa mga lovelife ng kanyang mga anak, Gelli De Belen ipinahayag na handa siyang makialam sa mga lovelife ng anak dahil karapatan niya iyon.


Iginiit ng kilalang aktres na si Gelli De Belen na handa siyang makialam sa lovelife ng kanyang mga anak kapag kailangan na ng mga ito.


Sa isang panayam ng PEP kamakailan, tinanong si Gelli De Belen kung payag ba siyang makatanggap din ng pambabatikos gaya ng kanyang kaibigan na si Carmilla Villarroel matapos makialam sa lovelife ng mga anak.


Matatandaang ang pakikialam ni Carmilla Villaroel ang isa sa mga ititurong dahilan sa paghihiwalay ng kanyang anak na si Mavy Legaspi at ng dati nitong partner na si Kyline Alcantara.


Binansagan pa si Mavy bilang isang ‘mama’s boy’ dahil hinayaan niyang pakialaman ng kanyang ina ang kanyang relasyon.


Nag-viral din sa social media ang post ni Carmina.


“Dear Mavy and Cassy, people can destroy your image, damage your personality, create rumors about you but they can never take away your good deeds. Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best,” pagtatanggol ni Carmina sa kanyang mga anak.


Dagdag pa niya, “Mom’s knows best.”


Samantala, ayon kay Gelli De Belen handa siyang humarap sa mga pambabatikos kung kinakailangan para sa kanyang mga anak. Iginiit rin niya na walang sinuman ang maaring kumwestiyon nito dahil isa siyang ina na handang protektahan ang mga anak kung kinakailangan.


Gayunpaman, iginiit ni Gelli De Belen na hindi naman niya kinokontrol ang kanyang mga anak sa pagpili ng taong mamahalin.


Sa katunayan ay wala pa naman umano siyang nirereject na babaeng pinakilala ng kanyang anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo