Tila ang actor-host na si Paolo Contis ang labis na naaapektuhan sa pagkakatigil ng noontime variety show na produced ng TAPE Inc. na umiere sa GMA7 na 'Tahanang Pinakamasaya' na noon ay 'Eat Bulaga'.
Labis na naapektuhan ngayon si Paolo Contis sa biglaang pagpapatigil ng Tahanang Pinakamasaya matapos ang all out na pagdedepensa niya rito laban sa lahat ng mga pinagdadaanang pambabatikos mula nang pinalitan nila ang TVJ bilang mga panibagong hosts.
Hindi naging lingid sa kaalaman ng lahat ang ginawang pagdepensa ni Paolo Contis sa mga executives ng TAPE Inc. sa gitna ng pag-aagawan nila ng trademark sa mga dating Eat Bulaga hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.
Sa isang episode ng showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz, inilahad niyang kinausap niya si Paolo Contis upang hingan ito ng saloobin patungkol sa biglaang pagtatapos ng Tahanang Pinakamasaya.
Subalit, tumanggi umano si Paolo Contis na magbigay ng pahayag at gusto muna umano nitong mapag-isa sa ngayon.
Ayon kay Ogie Diaz, sinubukan niyang mag-reach out kay Paolo Contis dahil malapit naman umano sila sa isa't-isa, subalit hiniling umano ni Paolo Contis na huwag muna siyang kausapin sa ngayon.
Pagsisiwalat pa ni Ogie Diaz, nais umano ni Paolo Contis na mapag-isa na lamang at makapagpahinga kaya naman hindi na umano nila ito kinulit pa.
Inilahad din ni Ogie Diaz ang nakarating sa kanyang isyu kung saan nire-required na umano ng GMA Network ang TAPE Incorporated na magbayad sa utang nilang 800 million pesos.
Hinala ni Ogie Diaz na ito umano ang dahilan kaya napagdesisyunan ng TAPE Inc. na itigil na lamang ang kanilang show upang hindi na lumaki pa lalo ang kanilang pagkakautang.
May mga kumakalat rin namang opinyon na ang pagkakautang ng TAPE Inc. sa GMA ay nagsimula pa noong ang TVJ pa at legit dabarkads ang hosts ng Eat Bulaga na napalitan lamang kamakailan ng Tahanang Pinakamasaya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!