Nagbigay ng saloobin ang self-proclaimed Sawsawera Queen na si RR Enriquez patungkol sa kontrobersyal resort na ipinatayo sa gitna ng protected area ng Chocolate Hills.
Naniniwala umano si RR Enriquez na wala namang masama sa pagpapatayo ng isang resort sa gitna ng UNESCO Heritage Site katulad na lamang ng Chocolate Hills sa Bohol.
Sa kanyang Instagram post, kinumpara pa ni RR Enriquez ang Chocolate Hills sa ilang mga bundok sa Switzerland na pinapatayuan rin ng mga resort.
Ayon sa naging caption ni RR Enriquez sa kanyang post, wala siyang nakikitang masama sa pagpapatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills dahil nakakatulong naman umano ito sa tourism ng lugar.
Inaalala pa ni RR ang kayng pagbabakasyon noong 2016 sa Switzerland kung saan may mga hotels at jacuzzi resort na ipinapatayo sa ibabaw ng bundok.
Iginiit din ni RR Enriquez na ang pagkakamali lamang na nakita niya sa lugar ay ang hindi magandang design nito. Naniniwala si RR Enriquez na hindi umano masyadong maganda ang Captain's Peak Garden and Resort para maka-attract ng maraming mga turista.
Pinayuhan pa niya ang management ng nasabing resort na maglaan ng pundo para mas mapaganda ang kanilang resort.
Samantala, tila hindi nakapagresearch si RR Enriquez dahil ang pinuntahan niyang bundok sa Switzerland ay hindi naman kabilang sa UNESCO Heritage Site at hindi rin protected area kagaya ng sa Chocolate Hills.
Dahil sa mga naging pahayag ni RR Enriquez, binabatikos siya ngayon ng ilang mga netizens dahil sa pananawsaw ng hindi nag-reresearch sa history ng lugar.
Pinangaralan din nila si RR Enriquez na alamin ang kahalagahan ng Chocolate Hills sa turismo ng bansa nang mapabilang ito bilang UNESCO Heritage Site.
Iginiit pa ng ilang mga netizens na hindi na kailangan ng resort para ipromote ang turismo ng lugar dahil tourist attraction na itself ang Chocolate Hills.
Sa ngayon ay sarado na ang Captain's Peak Garden and Resort at iniimbistigahan na rin ang mga taong nasa likod na pagpapatayo nito.
Nais malaman ng senado kung sino-sino ang nagbigay ng permit para maipatayo ito gayung lumalabag ito sa Protected Area of the Philippines Act.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!