Sarah Geronimo Hinangaan Sa Pasabog New Look Sa Los Angeles at Nagbigay Pugay Pa Kay Mommy Divine!

Huwebes, Marso 7, 2024

/ by Lovely


 Isang nakakapanibagong Sarah Geronimo ang nasaksihan ng mga netizens sa YouTube theatre sa Los Angeles para sa 2024 Billboard and Music Awards. Kasama si Sarah Geronimo sa mga International female artists na makakatanggap ng Global Force Award.


Muli na namang napatunayan ng tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang kanyang hindi mapapantayang galing, talento at global impact sa larangan ng musika sa kanyang pagdalo sa Billboard Women And Music Awards nitong March 6, 2024.


Si Sarah Geronimo ang kauna-unahang Filipina recipient at one of the owneress sa kategoryang Global Force na naganap sa YouTube Theatre sa Los Angeles, California.


Makikita naman ang all-out na pagsuporta ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli.


Lalo ring humanga kay Sarah Geronimo ang mga netizens dahil sa kanyang naging panayam ay ipinunto niya ang kahalagahan ng isang ina. Nagbigay pugay pa ang singer sa kanyang ina na si Mommy Divine at ipinagsigawan sa buong mundo ang kanyang pagmamahal at pagsaludo niya rito.


Ayon kay  Sarah Geronimo, ang kanyang ina na si Divine Geronimo ang the best at ito rin umano ang kanyang hero.


Marami ang naging emosyunal sa ginawang ito ni Sarah Geronimo dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maganda ang relasyon nilang mag-iina mula nang sumuway si Sarah sa pagtutol nito sa kanyang boyfriend pa noong si Matteo Guidicelli.


Sa katunayan, noong 2020 inilihim ni Sarah Geronimo sa kanyang mga magulang ang kanyang pagpapakasal kay Matteo Guidicelli subalit sa huli ay nalaman rin ito ng kanya at magmula noon ay tila itinakwil na ng mga ito si Sarah Geronimo.


Hanggang ngayon ay tila sinusuyo pa rin ng singer ang kanyang ina subalit, hindi pa rin malinaw kung nagkaayos na ba sila matapos ang maraming mga taon.


Sa kabilang banda, marami ang pumupuri ngayon kay Sarah Geronimo dahil hindi umano nito sinusukuan ang kanyang mga magulang at palaging ipinapahayag ang kanyang pagmamahal sa mga ito.


Napansin rin ng ilang mga netizens ang pagbabago ngayon kay Sarah Geronimo sa Billboard Women And Music Awards dahil sa fierce look nito at confident na rin umano itong magsalita ng English. Sa kabila naman umano nito ay napapanatili pa rin ni Sarah Geronimo ang kanyang pagiging humble.



@alfredvlogtv “It means having that power to influence people, and it also comes with a big responsibility.” @Sarah Geronimo 👑🇵🇭🌎 speaks about being a GLOBAL FORCE honoree at #BBWomenInMusic   . 🌍#SarahGforBillboardPH #SarahGeronimo ♬ original sound - Alfred Vlog Tv

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo