Isa ang Kapamilya singer actress na si Angeline Quinto sa mga dumalo sa naganap na grand media conference ng What's Wrong With Secretary Kim? sa gateway mall ng Araneta Center Quezon City nitong March 9, 2024 araw ng sabado.
Ayon sa naging pahayag ng actress-singer na si Angeline Quinto, labis na niyang namimiss ang pag-arte.
Matatandaan na huling napanood na umaarte si Angeline Quinto noon pang 2012 sa Kahit Kunting Pagtingin ng ABS-CBN kung saan una niyang nakasama sa trabaho si Paulo Avelino.
Matapos ang mahigit isang dekada, muling mapapanood sa isang teleserye si Angeline Quinto na aminadong labis niyang namimiss ang larangan ng pag-arte.
Ipinahayag pa ni Angeline Quinto na labis siyang nasisiyahan nang matanggap ang balita mula sa Dreamscape entertainment na mapapabilang siya sa cast ng What's Your With Secretary Kim? bilang si Sarah Angeles ay labis siyang nasiyahan na parang siya ang napiling gumanap bilang si Secretary Kim.
Isiniwalat din ni Angeline Quinto na malapit sa kanyang puso ang gagampanan niyang karakter sa nasabing kwento. Hindi rin umano siya masyadong nag-udjust sa kanyang role dahil pare-pareho lamang ng katangian sina Sarah Angeles at si Angeline Quinto.
Ang karakter umano ni Sarah Angeles, ay kalog at siyang nagbibigay kasiyahan sa kanyang mga katrabaho sa tuwing nai-stress ang mga ito.
Sa kabilang banda, inamin ni Angeline Quinto na ilang beses rin siyang nakatanggap ng mga alok na gumawa ng mga teleserye mula sa ibang mga TV networks, pinag-isipan naman umano niya ang mga natatanggap na offers.
Subalit, hindi talaga umano niya makayanang iwan ang ABS-CBN na siyang naging tahanan na niya mula nang manalo siya sa Star Power.
Nakatakda nang ilabas ang unang episode ng What's Wrong With Secretary Kim? sa darating na March 18, sa online video streaming app na Viu.
Ang Philippine adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim? ay pagbibidahan ng mga kilalang artista sa panahong ito na sina Paulo Avelino at Kim Chiu na una na ring nagsama sa seryeng Linlang na unang ipinalabas sa online video streaming app na PrimeVideo.
Marami ngayon sa mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang nasisiyahan dahil sa wakas ay muli namang makikita sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screen sa iba namang katauhan bilang si Mr. CEO at Secretary Kim.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!