Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa reaksyon ng Television and Production Exponents Incorporated sa pagkupkop ng GMA Network sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime.
Hindi umano nagustuhan ng TAPE Incorporated ang naging desisyon ng GMA Network na pagpapalipat sa It's Showtime ng ABS-CBN sa nabakanteng timeslot matapos maitigil ang kanilang show na Tahanang Pinakamasaya.
Hindi rin umano nila nagustuhan ang ginawang pagtrato ng GMA7 sa ABS-CBN at maging ng mga hosts ng It's Showtime.
Marami ang nagsasabing tila selos na selos umano ngayon ang mga executives ng TAPE Inc. sa pagtrato ng GMA7 sa It's Showtime na siyang papalit sa kanilang show na Tahanang Pinakamasaya matapos na maitigil ito dahil hindi nila nabayaran ang utang sa GMA7 na iniwan pa umano sa kanilang ng TVJ noon.
Napansin rin umano ng TAPE Inc. executives na hindi naman umano naging pantay ang pagtrato sa kanila ng GMA7 at tila mas pinapaboran pa nito ang dating katapat na show kaysa sa kanila na ilang taon na ring umiere sa kanilang channel.
Sa isang episode ng programa ni Cristy Fermin, isiniwalat niya ang reaksyon ng TAPE Incorporated sa engrandeng pag-welcome ng GMA Network sa dating katapat ng kanilang show na It's Showtime.
Pakiramdam umano ng TAPE Incorporated na hindi man lamang tinulungan ng GMA7 ang kanilang show na Tahanang Pinakamasaya na naghihingalo na mula nang umalis ang TVJ at nag-iwan pa ng malaking utang.
Naghinala rin umano ang TAPE Inc. na kaya sila pini-pressure ng GMA na magbayad ng pagkakautang hanggang sa magdesisyon na lamang sila na ipatigil ang kanilang show ay para mabigyan ng pagkakataon ang It's Showtime na lumipat sa GMA Network para tumapat sa Eat Bulaga ng TVJ na umiire naman sa TV5.
Para sa TAPE Inc. ay kawalan umano ng respeto para sa kanila ang ginawa ng GMA Network na talagan ipinamukha umano sa kanila na ang pantapat sa galing ng Eat Bulaga ng TVJ ay ang It's Showtime hindi ang Tahanang Pinakamasaya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!