Sa wakas ay nagbigay na ng pahayag ang Television and Production Exponents Incorporated patungkol sa napapabalitang pagkakatigil ng kanilang noontime variety show na Tahanang Pinakamasaya.
Tuluyan nang inanunsyo ng TAPE Incorporated ang pagtatapos ng kanilang noontime show na 'Tahanang Pinakamasaya' matapos ang ilang buwan nang umalis ang mga naunang host ng Eat Bulaga na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey De Leon.
Inihayag ng TAPE Incorporated na mabigat para sa kanila ang ipaalam sa lahat ng kanilang mga televiewers na ang kanilang show na 'Tahanang Pinakamasaya' na umiere sa GMA network ay titigil na simula March 8, 2024.
Nilinaw din nila na napilitan silang itigil ang kanilang show dahil sa mga 'unwanted circumtances'.
Iginiit din ng TAPE Incorporated na ginawa nila ang lahat para ma-save ang kanilang show. Subalit, nagkasundo umano ang magkabilang panig na i-call off na lang ang show.
“Sa mga loyal viewers, esteemed hosts, supportive advertisers, hardworking crew and dedicated employees na kasama namin sa simula pa lang – mula sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga” hanggang sa kasalukuyang “Tahanang Pinakamasaya” – ang aming taos-pusong “Salamat ikaw!" at optimistic na "see you again!" mensahe ng TAPE Inc.
Matatandaan na noong May 2023 kumalas sa TAPE Inc. ang mga Eat Bulaga host na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon kasama rin nilang nag resign ang ib a pang mga hosts at ilang mga staff ng show dahil sa internal issue sa pagitan nila at ng TAPE Inc.
Matapos ang makalipat sa ibang network inilaban ng TVJ sa korte ang pagmamay-ari nila sa titulong Eat Bulaga dahil sila naman umano ang bumuo nito.
Huling bahagi ng taong 2023, pinaburan ng korte ang TVJ at matagumpay nilang nakuha ang titulong Eat Bulaga mula sa mga Jalosjos, executive ng TAPE Inc.
Dahil dito, napilitan ang TAPE Incorporated na magpalit ng titulo, mula sa 'Eat Bulaga' pinalitan nila ito ng 'Tahanang Pinakamasaya'.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, sa darating na December 2024 pa mag-eexpire ang kontrata ng TAPE Incorporated sa GMA7.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!