TV Host Gustong Lumipat Ng Noontime Show!

Huwebes, Marso 7, 2024

/ by Lovely


 Nanatiling palaisipan ngayon kung ano ang mangyayari sa mga host at staff ng Tahanang Pinakamasaya matapos kumpirmahin ng TAPE Incorporated ang kanilang desisyon na itigil na ang pag-ere nito.


Kani-kanina lamang ay naglabas na ng opisyal na pahayag ang TAPE Inc. kung saan inamin nila na hindi na iere sa GMA7 ang Tahanang Pinakamasaya dahil sa mga unwanted circumtances na hindi nila nagawan ng paraan.


Pinilit naman umano nilang ayusin ang problema subalit hindi pa rin ito nareresolba dahil dito mabigat man sa kanilang kalooban ay kailangan na nilang tapusin ang kanilang show kahit pa sa darating pang December magwawakas ang kontrata nila sa GMA7.


Iginiit din ng TAPE Inc na mutual decision nila at ng GMA7 ang pagpapatigil sa kanilang show.


Samantala, hindi pa naman malinaw ngayon kung ano ang programang ipapalit sa Tahanang Pinakamasaya sa kanilang timeslot sa GMA7 simula ngayong March 8, 2024.


Marami naman ang naghinala na baka mga lumang pelikula muna ang pansamantalang ilalabas ng GMA7 habang hindi napagdidesisyunan ang show na ipapalit sa nagwakas na show.


Nagkaroon rin ng adjustments sa mga show kagaya na lamang ng Fast Talk With Boy Abunda na noon ay 20 minutes lamang ang duration ngayon ay nasa 25 minutes na.


Samantala, sa lahat ng mga host ng Tahanang Pinakamasaya si Charice ang unang nagpahayag ng totoong kinahinatnan ng kanilang noontime show.


May mga usap-usapan rin ngayon na umano'y nagpaparinig na umano sa isang host ng Tahanang Pinakamasaya na malapit sa isang mainstay host ng isang programa para mabigyan kaagad ito ng panibagong proyekto.


Subalit, maari umanong magka-problema ang nasabing mainstay dahil may record na ang nasabing host na palaging nagtatapos ang mga programang kanyang kinabibilangan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo