Mainit na pinag-uusapan nina Cristy Fermin at Rommel Chika sa isang episode ng Cristy Ferminute ang paglipat ng Kapamilya show na It's Showtime sa noontime slot ng GMA Network matapos itong mabakante ng Tahanang Pinakamasaya na dating Eat Bulaga na pinangungunahan noong ng TVJ na ngayon ay nasa TV5 na.
Sa nasabing episode ng Cristy Ferminute, isa-isang binasa ni Cristy Fermin ang mga text messages ng mga netizens na hindi pumabor sa paglipat ng It's Showtime sa GMA.
May mga netizens ang nagsasabing naawa sila sa mga Kapuso artist na mabibigyan sana ng trabaho kung mas pinili ng GMA7 na mag-produced ng sarili nilang noontime show.
Binalikan pa ng ilang mga netizens, ang ginawa noon ni Vice Ganda sa GMA7 noong may prangkisa pa ang ABS-CBN. Ayon sa kanila, ilang beses din umanong pinasaringan at binanatan noon ni Vice Ganda ang GMA7 at mga artista nito.
Ilang beses rin umanong nilait ni Vice Ganda ang Kapuso network lalo na noong nagsilipatan sa ABS-CBN ang kanilang mga magagaling na talents.
Ayon sa pa sa ilang mga netizens, na hindi na umano 'Kabayo' ngayon si Vice Ganda kundi isa na itong 'pusa', pusa dahil kinain umano nito mismo ang kanyang mga sinasabi noon.
Muli ring pinuna ni Cristy Fermin ang ugali ni Vice Ganda na tuluyan na umanong nilamon ng kanyang kasikatan.
Dagdag pa ni Rommel Chika na dating nakakasama noon ni Vice Ganda sa mga comedy bar, sa pangarap ni Vice Ganda na maging magaling na magaling ay nakalimutan na umano nito ang pagiging mabuti dahil ginusto na umano ngayon ni Vice Ganda na maging bida sa lahat.
Samantala, iginiit naman ni Cristy Fermin na naniniwala siyang kakambal na ng inunan ni Vice Ganda o simula pa pagkabata ang masamang ugali nito.
Hindi rin umano maaring sabihin na kaya bastos si Vice Ganda ngayon dahil sikat na siya dahil marami naman umanong sikat na hindi naman bastos.
Hindi rin umano masasabing kaya mayabang ngayon si Vice Ganda dahil marami na siyang pera dahil marami naman umanong mapepera ngayon na hindi naman nagmamayabang kagaya ni Vice Ganda.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!