Muli na namang naging sentro sa tuksuhan ang actress-TV host na si Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime.
May panibagong banat na naman ang Unkabogable Star na si Vice Ganda patungkol sa kanyang anak-anakan na si Kim Chiu. Sa kamakailang episode ng Expecially For You, isang segment ng It's Showtime, tampok sa kanilang usapan ang dahilan ng hiwalayan ng kanilang mga kontestant.
Sinabi ni Vice Ganda na kadalasan sa mga lalaki, sinasabing hindi nila kaya ang makipaghiwalay at naghihintay lamang sila na hiwalayan na ng babae. Ilang beses na umano itong narinig ni Vice Ganda kung saan hinihintay na lamang ng lalaki na ang babae na mismo ang bumitaw sa relasyon nila.
Kaagad namang sumabat si Kim Chiu sa nasabing pahayag ni Vice Ganda kung saan inilahad niyang kaya ito ginagawa ng mga lalaki para sila ang lumabas na victim dahil sila naman ang hiniwalayan, sila iyong iniwan.
Kaagad namang napagtanto ni Vice Ganda na humuhugot na si Kim Chiu kaya naman sinimulan na rin niyang asaran ito. Nagtanong si Vice Ganda kung sino ba talaga ang nakipaghiwalay sa mga kontestant, bigla namang sumabat si Kim Chiu at tinanong kung saan?
Dito na humirit na si Vice Ganda na para sa kanilang contestant ang tanong dahil sila naman ang guest ng kanilang show. Dito na nakisali si Vhong Navarro kung saan tinanong niya si Kim Chiu kung gusto rin ba ng aktres na maging guest sa segment na Expecially For You.
Ibinuking rin ni Vice Ganda na sa tuwing aabsent si Kim Chiu sa It's Showtime ay magpapadala ito ng mensahe sa kanya kung saan humingi ito ng pasensya at sinasabing magi-guest siya sa kanilang segment.
Sinakyan naman ito ni Kim Chiu at tinanong pa kung sino kaya ang magiging searchy. Sinabi naman ni Vice Ganda na walang dapat na ipagalala si Kim Chiu dahil hahanapan nila ito ng matinong lalaki dahil iba umano ang halaga ng isang Kim Chiu.
Marami naman ang humiling na kung sakali mang sasabak sa Expecially For You si Kim Chiu sana naman ay magiging searchy din si Paulo Avelino.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!