Pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang tila patutsada ni Vice Ganda laban sa mga naging pasaring ni Joey De Leon sa paglipat nila sa GMA Network.
Hindi pa man opisyal na napapanood sa GMA Network ang It's Showtime ay tila nag-umpisa na ang sagupaan ng mga hosts ng magiging magkatapat na show na Eat Bulaga at It's Showtime.
Matatandaan na tila inungkat ni Joey De Leon ang naging one liner ni Vice Ganda at sinasabing ang GMA ay where you belong, bakit sila naglilipatan, they don't care where we belong ang iniintindi namin ay ang to belong, to be the longest.
Ayon naman kay Vice Ganda, sa dinarami-rami ng pinagdaanan nila ngayon pa ba sila susuko. Marami man umano siyang naririnig ngayon, iisa lamang umano ang layunin nila ang magpasaya ng mga madlang pipol.
Pinipili na lamang rin umano nila na huwag na lamang pansinin ang mga pambabatikos na natatanggap online. Mas tinitingnan na lamang umano ni Vice Ganda at ikinasisiya na may mga taong naniniwala sa kanilang galing at patuloy silang ipinagtatanggol.
Sa kabilang banda, inihayag naman nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na hindi sila bothered sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7 kung saan mabibigyan ng opportunity ang It's Showtime na mapanood sa mas malawak na audience dahil umaabot ang reception ng GMA7 sa maraming liblib na lugar sa Pilipinas.
Bukod pa rito, isa ring free channel ang GMA na mapapanood ng mga analog TV. Subalit, hindi naman umano kinakabahan ang TVJ na maaring makaapekto sa kanilang ratings. Naniniwala umano si Tito Sotto na hindi makakaapekto sa kanila ang It's Showtime dahil noon pa man ay katapat na nila ito sa panahong may prangkisa pa ang ABS-CBN.
Gayunpaman, mas mataas pa rin naman umano ang kanilang ratings noon kaysa sa It's Showtime. Naniniwala rin umano ang Eat Bulaga hosts, na-established na ang kanilang viewers bilang sila ang may hawak sa titulong longest running TV show ng bansa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!