ABS-CBN Program Pinag Aagawan Ng AllTv at GMA

Lunes, Abril 29, 2024

/ by Lovely


Matagal nang naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagbabalik sa ere ng noontime variety show na It's Your Lucky Day na pansamantalang pumalit noon sa noontime show na It's Showtime nang masuspinde ito sa loob ng mahigit dalawang linggo.


Ilang linggo matapos ang pag-ere nito, naging laman na ng mga usap-usapan na muli itong eere sa buwan ng February kung saan magiging pre-programing umano ito ng It's Showtime o kaya naman ng TV Patrol.


Subalit, makalipas ang ilang buwan ay hindi pa rin nakaere muli ang It's Your Lucky Day kaya naman marami na ang mga nagtatanong kung matutuloy pa ba kaya ang pag-ere muli ng show ngayong nasa GMA7 na ang It's Showtime.


Sa kabilang banda, tila malapit na ang pag-ere muli ng show dahil makikita sa ibinahaging station ID ng ABS-CBN ang pagsasamang muli ng mga dating hosts ng It's Your Lucky Day na kinabibilangan nina Luis Manzano, Melai Cantiveros, Shaina Magdayao, Francine Diaz, Seth Fedelin bukod sa marami pang iba.


Ayon naman sa mga panibagong mga usap-usapan ngayon ng maraming mga netizens, may posebilidad na sa darating buwan ng Hunyo muling mapapanood ang It's Your Lucky Day.


May mga naghinala na kabilang sa programang napagkasunduan na mapapanood sa ALLTV ngayong nagkaroon na sila ng partnership deal sa ABS-CBN ay ang AllTV na eere sa kanilang noontime slot.


Sa kabilang banda wala pa umanong malinaw na usapan sa pagitan ng ALLTV at ABS-CBN dahil maging ang GMA7 ay nagpakita na rin umano ng intensyon na maiere rin sa kanilang channel ang ilang mga programa ng ABS-CBN.

 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo