Aktres Ayaw Makasama Sa Sa Programang Asap Natin to Ang Isang Tv Host Aktres!

Biyernes, Abril 5, 2024

/ by Lovely




 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang isang blind item na unang ibinahagi ng hindi nagpalalang netizen sa Twitter, patungkol sa isang kilalang aktres na nagrequest sa mga staff ng kinabibilangang show na huwag silang pagsamahin ng isang pang aktres.


Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang isang blind item patungkol sa isang kilalang aktres na humiling sa mga staff ng ASAP Natin 'To na huwag silang pagsamahin sa iisang performance ng isa pang kilalang aktres.


Ayon naman pa sa blind item na kung totoo man na talang nag-request ang aktres na ito na hindi sila pagsamahin sa iisang performance at hindi rin umano niya kayang i-introduce ito bago ang performance ay nagpapakita lamang ito ng kanyang ka-bitteran.


Sa mga sumunod na posts ay nagbigay na ng clue ang nasabing Twitter user, na ang aktres ay nagmula sa isang sikat na Unibersity. Mas pioneer rin umano ang isa pang kilalang aktres kaysa sa kanya. Ang sinasabing aktres ay anak rin umano ng isang celebrity.


Bagama't wala namang binanggit na pangalan ay naiugnay kaagad ng mga netizens na ang tinutukoy sa blind item ay walang iba kundi ang aktres na si Janine Gutierrez.


Ayon pa sa mga netizens na tiyak ay hindi na rin umano ito muling mag-guiguest sa It's Showtime kung saan isa sa mga main stay host si Kim Chiu.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na bago pa man mai-link si Paulo Avelino at Kim Chiu, ay naunang naging laman ng mga balita ang pagkakaroon ng relasyon nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.


Kaya naman hindi rin masisisi ang aktres kung sakaling totoo na iniiwasan niya si Kim Chiu ngayon ito naman ang inuugnay kay Paulo Avelino.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo