Alden Richards Gumastos ng Malaki Makasama Lang Si Kathryn Bernardo

Huwebes, Abril 4, 2024

/ by Lovely


 Marami sa mga netizens ang nakapansin sa kakaibang pagtrato ngayon ng Kapuso actor at Multimedia Star na si Alden Richards sa sinasabing kaibigan niyang si Kathryn Bernardo.


Sa kamakailang episode ng programa nina Cristy Fermin, isiniwalat ng kilalang kolumnista na pinatunayan na ngayon ng aktor na si Alden Richards ang pagiging generous friend lalo na kay Kathryn Bernardo na nakasama niya sa top-grossing film na Hello, Love, Goodbye.


Ayon sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin, naghire si Alden Richard ng private plane para lang makapunta sa birthday party ni Kathryn Bernardo na ginanap sa El Nido Palawan noong March 26, 2024.


“Gumastos siya nang malaki makarating lamang sa birthday ni Kathryn Bernardo. Bumayad siya ng private plane.Para lamang mapagbigyan ang imbitasyon ng isang babaeng hindi niya naman karelasyon pero nagbibigay din ng importansiya sa kaniya. Gumawa ng paraan si Tisoy para makarating kasama ang mga kaibigan sa Palawan,” pahayag ni Cristy Fermin.


Samantala, ayon kay Kathryn Bernardo ang naganap na birthday party niya sa Palawan ang maituturing pinakamasayang birthday party ngayong hindi na niya kasama si Daniel Padilla.


Marami naman ang sumusuporta ngayon sa namumoong relasyon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards lalo na't parehong single naman umano ang dalawa. Umaasa pa ang kanilang mga tagahanga na magkakaroon na sa wakas ng part 2 ang pelikulang Hello, Love, Goodbye.


Sa kabilang banda, nagpupuyos naman sa galit ngayon ang ilang mga fans ng AlDub dahil hanggang ngayon ay naniniwala pa rin sila na totoo ang lahat ng nangyari noon kina Maine Mendoza at Alden Richards, kabilang na ang pagpapakasal nila at pagkakaroon ng kambal na anak.


Pinagbabantaan pa ng ilang mga AlDub fans si Kathryn Bernardo na i-boboycott dahil sa pagpatol niya sa isang lalaki na mayroon na umanong asawa at mga anak.


Sa ngayon ay wala pang pahayag sina Kathryn Bernardo at Alden Richards patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo