AlDub Fans, Hindi Pabor Sa Pakikipagrelasyon Ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo

Huwebes, Abril 4, 2024

/ by Lovely


 Nag-viral sa social media ang mga kilalang blockbusters stars na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo matapos mailathala sa social media ang ilang video at larawang kuha sa ikalawang selebrasyon ng kaarawan ng Kapamilya actress.


Makikita sa mga nasabing larawan at videos ang mga sweet moments nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa nasabing okasyon.


Marami sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na nanahimik lamang noon ay nag-iingay ngayon sa kanilang kilig dahil tila nagkakamabutihan na ang dalawa.


Kaagad ring kumalakat ang mga spekulasyon na nanliligaw na ngayon si Alden Richards kay Kathryn Bernardo. 


Ayon naman sa ilang mga fans ni Alden Richards, noon pa man ay malaki na ang pagkagusto ng aktor kay Kathryn Bernardo na naging leading lady niya sa Hello, Love, Goodbye.


Subalit, nagpigil umano noon ang aktor na si Alden Richards dahil sa relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa naging tambalan nila noong na AlDub ang hindi nasiyahan sa mga ipinapakitang pagkakamabutihan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.


May mga fans pa ng AlDub ang bumabatikos ngayon kay Kathryn Bernardo sa social media dahil sa pagiging hadlang umano nito sa pagbabalik ng AlDub.


Marami pa sa mga fans noon ng AlDub nagbabantang ibo-boycott sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sakaling ipagpatuloy nila ang kanilang relasyon.


May mga nanawagan pa kay Kathryn Bernardo na itigil na ang pakikipaglapit kay Alden Richards dahil kasal na umano ito kay Maine Mendoza at mayroon na silang mga anak.


Binantaan pa ng ilan ang aktres dahil baka sumabog umano sa inis si Maine Mendoza dahil sa kanilang kalokohan ni Alden Richards.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na may mga AlDub fans pa rin na patuloy na naniniwalang hindi pa naghiwalay sina Alden Richards at Maine Mendoza.



Sa kanilang paniniwala, ay patuloy paring nagsasama ang dalawa at hindi lamang umano maaring lumantad dahil pinagbabawalan ng kanilang mga managers.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag sina Alden Richards, Maine Mendoza at Kathryn Bernardo sa mga nagsasabing may nagaganap na love triangle sa pagitan nila.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo