Bea Alonzo Tuluyan Ng Iniwan Si Dominic Roque Mommy Mary Anne Hindi Matumbasan Ang Kasiyahan!

Martes, Abril 30, 2024

/ by Lovely


 Aktres na si Bea Alonzo, kumpirmadong hiniwalayan muli ang boyfriend na si Dominic Roque sa utos ng kanyang ina.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang hindi matumbasan ang kaligayahan na nararamdaman ngayon ng ina ni Bea Alonzo dahil tuluyan ng iniwan ng kanyang anak ang dati nitong fiancee na si Dominic Roque na noon pa man ay hindi na niya gusto.


Ayon pa sa ilang mga haka-haka na noon pa man ay hindi na pabor ang ina ni Bea Alonzo sa pakikipagrelasyon ng aktres kay Dominic Roque dahil hindi naman umano ito kasikatan at hindi rin kasing yaman ni Bea Alonzo.


Ito rin umano ang dahilan kung bakit hinimok ni Mommy Mary Anne noon si Bea Alonzo na papirmahin ng prenuptial agreement si Dominic Roque.


Samantala, naging laman ng talakayan nina Cristy Fermin sa kanilang programa sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na ang latest balita na nasagap nila patungkol kay Mommy Mary Anne.


Ayon kay Cristy Fermin, ipinarating sa kanila ng kanyang kaibigan na nakakita sa ina ni Bea Alonzo na labis anng tuwa at galak ngayon. Nang tanungin umano ito sa dahilan ng kanyang kasiyahan ay kaagad nitong isiniwalat na may kaugnayan ito sa tuluyan paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Kabilang din sa isiniwalat ni Cristy Fermin na hindi lamang desisyon ni Bea Alonzo ang pakikipaghiwalay kay Dominic Roque kundi desisyon rin ito ng kanyang ina na ilang beses ng inuutusan si Bea Alonzo na iwan si Dominic Roque.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo