Hindi napigilan ng dating senador na si Tito Sotto na maglabas ng pahayag laban sa mga taong ipinapalabas na nalulugi na ang kanilang show na Eat Bulaga at malapit na ring matigil sa pag-ere sa telebisyon.
Sa segment ng Eat Bulaga na Gimme 5 nitong martes April 16, 2024, gigil na binanatan ni Tito Sotto ang mga nagpapakalat ng mga bali-balitang nalulugi na sila at magwawakas na rin ang kanilang noontime show.
Matatandaan na na nag-ugat ang bali-balitang nalulugi na ang Eat Bulaga matapos lumabas sa isang entertainment news sites ang balitang nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Vic Sotto at Joey De Leon dahil sa problema sa pera.
Ayon sa kanila, hindi maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan patungkol sa finances dahil nag-aadjust pa umano ang TVJ bilang panibagong producer ng Eat Bulaga lalo na sa pamamahala ng mga finances ng show.
Ayon pa sa naglabasang mga ulat, nagiging mainitin umano ng ulo ngayon si Joey De Leon dahil mas nasasanay umano ito na tumanggap ng pera kaysa sa maglabas ng pera mula sa sariling kaban.
Bagama't hindi naman maitatanggi na mayroong maraming commercial load ang Eat Bulaga tila hindi umano ito ramdam ng production dahil sa dami rin ng kanilang mga gastusin.
Kasunod nito, kumalat naman ang mga balitang nagpatawag ng isang emergency meeting ang TVJ at media quest para tugunan ang negative earning ng show ilang buwan na ang nakakalipas.
Dahil sa mga usap-usapang ito, hindi na napigilan ni Tito Sotto na magbigay ng pahayag upang tugunan na ang isyu.
Para patunayan na hindi sila nalulugi, handa umano si Tito Sotto na ipakita ang kanilang file income tax sa media mula sa BIR.
Sa huli ay pinayuhan ni Tito Sotto ang mga netizens na maging mapagmatyag at paniwalaan lamang ang mga balitang may katotohanan.
Sumabat naman si Joey De Leon at binanatan ang kanilang katapat na noontime show na It's Showtime. Ipinapalabas ni Joey De Leon na ang mga host ng kanilang katapat na show ang nagpapakalat ng mga fake news patungkol sa kanilang show.
Sinabi pa ni Joey De Leon na wala pang napapatunayan ang It's Showtime hindi katulad nila na napasama na sa top 5 longest running show sa buong mundo.
Hinamon pa niya ang mga ito na handa siyang lumuhod kung sakaling makaabot ang show ng kabila ng fifteen years.
Sa kabilang banda, marami ang nakapansin sa pananahimik ni Vic Sotto sa isang dami sa kabila ng panggagalaiti nina Joey De Leon at Tito Sotto.
@felysalvador420 TVJ sinagot na ang mga nagsasabing nalulugi at magsasara na daw ang Eat Bulaga #madiskartengnayfely #tiktokviral #tiktoktrending #tiktok #fyp #foryoupage #goodvibesonly ♬ original sound - Fely420
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!