Carmina Villaroel, Cassy Legaspi Nag-React Sa Sinabi Ni Darren Na Single Siya at Mag Bestfriend Lang Sila!

Miyerkules, Abril 10, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang naging pagtanggi ni Darren Espanto sa naging relasyon nila ni Cassy Legaspi.


Matatandaan na hayagang isiniwalat ni Darren Espanto ang pagiging single ngayon, maging sa mga panayam sa kanya ay palagi niyang tinatanggi na naging magkarelasyon sila noon ni Cassy Legaspi dahil hanggang sa pagkakaibigan lamang umano sila.


Kaagad na nakuha ni Carmina Villaroel ang atensyon ng mga netizen matapos ang pagbabahagi niya ng cryptic post sa kanyang Instagram page ilang oras matapos magkuwento ang Kapamilya actor na si Darren Espanto tungkol sa relasyon nila ni Cassy Legaspi.


Sa Instagram post ni Carmina Villaroel, ibinahagi niya ang larawan na may text na nagsasabing “Don’t expect the same in return."


Mabilis naman na iniugnay ng ilang netizens ang post na ginawa ni Carmina Villaroel sa panayam ni Darren Espanto.


Kaagad naman itong umani ng mga negatibong komento mula sa mga netizens kung saan marami ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa pagiging pakialamera ni Carmina Villaroel sa mga isyu ng kanyang mga anak.


May mga nagsasabi pa na sana ay hayaan na lamang ni Carmina ang kanyang mga anak na umayos sa kani-kanilang mga problema lalo na sa usapin patungkol sa pag-ibig.


Sa kabilang banda, maging si Cassy Legaspi ay naglabas rin ng hinanakit sa mga isiniwalat ni Darren Espanto.  Nagbahagi rin si Cassy Legaspi ng isang kanta patungkol sa isang toxic boyfriend.


Hinala ng maraming mga netizens na ito rin ang kanyang sagot sa mga naging pahayag ni Darren Espanto. 


Sa ngayon ay hinihintay ng mga netizens na sumagot si Darren sa cryptic post nina Cassy Legaspi at Carmina Villaroel.


Matatandaan na unang nagkakilala sina Cassy Legaspi at Darren Espanto sa ASAP Natin ‘To noong 2015 at naging matalik na magkaibigan mula noon.


Nagsimulang kumalat ang mga tsismis tungkol sa kanilang relasyon noong 2022 nang magsimula silang magpalitan ng matatamis na mensahe nang magkasama.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo