Concert Ni Janella Salvador Di Na Tuloy, May Patutsada Ulit Kay Kim Chiu?

Miyerkules, Abril 10, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platform ang pagkaka-reschedule ng concert ng actress-singer na Janella Salvador na pinamagatang 'Janella Reimagined' matapos makatanggap ng pambabatikos dahil sa aktres na si Kim Chiu.


Ikinagulat ng maraming fans ng aktres na si Janella Salvador ang inilabas na pahayag ng Star Magic at Star Music patungkol sa pagkaka-postpone ng concert ni Janella Salvador na nakatakda nang maganap sa darating na April 19, 2024.


Ayon sa ibinahaging pahayag ng management ni Janella Salvador, "Due to unforeseen circumstances, we would like to announce that Janella Salvador's concert originally scheduled for April 19, 2024 at the New Frontier Theater will be postponed. Ticket holders are encouraged to keep their ticket for the rescheduled date or seek refunds through Ticketnet. We apologize for any inconvenience and appreciate your understanding."


Marami naman sa mga fans ni Janella Salvador ang nalulungkot sa pagkakapostpone ng concert ni Janella kung saan ipagdiriwang din ng aktres ang kanyang ika-sampung anibersyaryo ni Janella Salvador sa showbiz.


Matapos ang anunsyo ng Star Magic, kaagad na nag-tweet si Janella kung saan inunahan na niya ang mga netizens sa pagbabatikos sa kanya dahil sa pagkakakansela ng kanyang concert. Ginamit pa niya ang mga katagang, 'paos kasi siya, kayo nalang'.


Sa kasunod na tweet naging seryoso na si Janella Salvador at humingi na siya ng paumanhin sa kanyang mga tagahanga sa pagkakapostpone ng kanyang concert.


"On a serious note, I apologize and am so thankful to all those who have been looking forward to my concert. I'm genuinely excited for this and would love to be even more prepared for the day it finally pushes through. More details to be announced soon and looking forward to still seeing everyone."


Marami naman sa fans ni Janella ang nag-alala dahil hindi naman umano basta-basta na lamang na ipostpone ang concert kung walang mabigat na dahilan.


Napapatanong tuloy ang ilang mga netizens kung may kinalaman pa sa personal na buhay ni Janella ang pagkaka-postponed ng kanyang concert. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo