Hindi naniniwala ang kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin at ang co-host nito na si Wendell Alvarez na magtatagal sa main channel ng Kapuso Network ang noontime show na pinangungunahan nina Vice Ganda.
Isiniwalat nina Cristy Fermin at co-host na si Wendell Alvarez ang mga nakarating sa kanilang balita patungkol sa pagkakaroon ng short contract ng GMA Network sa It's Showtime.
Sa isang episode ng 'Showbiz Now Na!' inihayag ng co-host ni Cristy Fermin na si Wendell na tatagal lamang ng 3 hanggang 6 na buwan ang kontrata sa pagitan ng It’s Showtime at GMA dahil gustong makita ng Kapuso Network kung magiging consistent ang performance ng Kapamilya show base sa kanilang satisfactory.
Bukod pa rito, naniniwala rin si Wendell Alvarez na mismong si Vice Ganda ang susuko at hindi ito magtatagal sa GMA Network dahil sa iba't-ibang rason at kadahilanan.
Naniniwala rin umano si Wendell Alvarez na sinadya lamang ng GMA Network na pabayaan sa ngayon ang It's Showtime dahil ginusto naman umano ng mga ito na makalipat sa kanilang network, subalit kung hindi na sila masisiyahan ay tatanggalin rin nila ito.
Sa isa pang ulat na isinulat ng Entertainment writer na si Salve Asis, ibinunyag niya na may kapangyarihan umano ang GMA Network na tapusin ang kontrata sa pagitan nila at ng It’s Showtime anumang oras kung sakaling may mga nalabag na patakaran ang show.
Gayunpaman, kahit anim na buwan lamang ang kontrata ng It's Showtime sa GMA Network ay renewable naman ito kaya maari pa rin silang mag-extend sakaling magkasundo muli ang dalawang panig.
Samantala, hindi naman matatanggi na itinuring na napakalaking tagumpay ang pilot episode ng It’s Showtime sa GMA Network dahil nalampasan nito ang ratings ng Eat Bulaga sa TV5 pagdating sa social media viewership at advertisement.
Naniniwala rin ang mga eksperto na hindi aalisin ng GMA Network ang It’s Showtime dahil ito lang ang tamang katapat ng Eat Bulaga lalo na ngayong nagdesisyon din ang television host na si Willie Revillame na sumali sa TV5.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!